Hindi nakakahawa ang prostatitis. Ang nasabing sakit ay inflammation o infecrostate gland at kalimitang bacterial infection ang sanhi nito mula sa gramnegative germs na nakikita sa dumi ng tao (feces).
Nakararating ito sa prostate sa pamamagitan ng pagdaloy sa dugo, lymphatic system o kaya ay diretso mula sa urethra (daanan ng ihi). Mas mataas ang risk ng pagkakaroon nito kapag may recent urinary tract infection, labis na pag-inom ng alcohol at paninigarilyo.
Narito Ang Ilang Senyales at Sintomas Ng May Prostatitis:
-parang mainit ang pakiramdam kapag umiihi;
- madalas na maihi lalo na sa gabi
-hirap bago magsimula ang pag-ibi at ‘di nae-empty lahat ang urinary bladder;
-fever at chills;
-may kirot sa pagitan ng scrotum at anus;
-kung minsan ay may dugo sa ihi o sa semen;
-low back pain;
-nakararamdam ng kirot kapag isinagawa ng doctor ang rectal examination.
Paano Maiiwasan?
Ang mga kalalakihang hindi pa nagkakaroon ng prostatitis ay malayong magkaroon nito kapag ito’y sexually active at ‘yung lalaking nagkaroon na nito minsan ay posibleng mababawasan ang muling pagkakaroon nito kung mas magiging aktibo ito sa sex.
- Sabi ni Doc (Bulgar) ni Shane M. Ludovice, MD
Comments
Post a Comment