Ang wedding band ay sinisimbolo ng walang katapusang pag-ibig na ibinabahagi sa bawat isa. Mahalaga na pumili ng singsing na pareho ninyong maipagmamalaki habang nakasuot sa daliri sa buong buhay ninyo.
1. Tumingin sa mga bridal magazine upang makakuha ng ideya.
2. Magtanong sa kaibigan at pamilya kung saang jewelry shop maaaring magpagawa o bumili ng angkop na singsing. Ang paraan na ito ay karaniwang mura lamang at mas personalized ang pagpapagawa.
3. Pumili ng singsing na katulad sa engagement ring ng bride upang pareho niya itong maisuot.
4. Tanungin ang iba pang miyembro ng pamilya sa anumang pamanang singsing. Maaaring may mas maganda silang hitsura ng singsing na galling pa sa
kanunununuang singsing mula sa jewelry box.
5. Subukan ang iba pang uri kung ano ang mas babagay at maganda sa kanyang mga kamay.
6. Oras na makapili ka na ng band, ipa-engraved ang petsa ng kasal sa loob nito. Ang iba pang sentimental na alaala ay puwedeng idagdag kung may espasyo pa. source: Bulgar
Basahin din ang Simbolo ng mga Singsing
Basahin din ang Simbolo ng mga Singsing
Comments
Post a Comment