Skip to main content

Zodiac Sign: Teknik Para Mahulaan Mo Ang Kanila




May nakahula na ba ng iyong astrological sign? Kahanga-hanga itong kakayahan kaya kailangan nito ng matinding pagsasaliksik at praktis. Hindi man naniniwala ang iba na may kahulugan sa tao ang zodiac sign, heto ang ilang tips sa mga naniniwala na magagawa nila ito.

Humanap ng tao na may malakas na personalidad. Siya ba ay kumpiyansa sa kanyang inuugali? Nagpapakita ba siya ng kakaibang kalidad na wala sa ibang tao? Kilala mo ba talaga ang taong iyan? Kung ganito, siya na rin ang mainam mong maging kandidato para maanalisa ang kanyang zodiac sign. Sa kabilang banda, may kahalintulad na rin ba siyang ugali? Ang naturang tao ba ay mahiyain o tahimik kahit na kilalang-kilala mo siya? Kung ganito, mahirap marahil mahulaan ang kanilang zodiac sign.

Alaming mabuti ang espesipikong kalidad ng sign. Bawat sign ay may kalidad na mahuhulaan.

1. ARIES – Sila ay maiingay, gustong nakaririnig ng gusot, maingay talaga sila, mahilig kumanta, malakas ang puwersa ng boses o lalo na sa lalaki at bilib na bilib sa sarili.



2. TAURUS – Bilib sa sarili, gusto ng magagandang bagay at kapangyarihan at nababagot.



3. GEMINI – Mahusay makipag-argumento, matalino, maharot, pala-laro pero kung minsan ay nakakapikon.




4. CANCER – Napakasensitibo, moody, romantiko at mabait.


5. LEO – Mapagmalaki, kumpiyansa, gusto ng atensiyon, hayag ang loob, madrama ang ugali, ismarte, matalino at mahusay gumawa ng desisyon.


6. VIRGO – Nakagagawa ng trabaho na ayon sa tamang pagkakasunod, ekselente ang kalinisan sa katawan, babaeng-babae at mahilig sa drama.




7. LIBRA – Hindi makapagpasya, maharot, makarisma, napakaatraktibo, mahusay gumawa ng talata ng mga salita.



8. SCORPIO – Mapag-angkin, masikreto, matigas ang ulo, makasarili at may kumpiyansa sa sarili.



9. SAGITTARIUS – Adbenturero, independent, matapang at matalino.





10. CAPRICORN – Matigas ang ulo, mapag-argumento, malakas ang kagustuhan sa anumang bagay, matured at reserbado ang karakter.


11. AQUARIUS – Gustung-gusto na nakatutulong sa iba, laging positibo, masayahin, makarisma, maganda lagi ang kanyang hitsura at matalino.


12. PISCES – Sensitibo, palakaibigan at compatible.





Tingnan ang kanyang hitsura. Kung wala sa anumang nabanggit sa signs ang nababanaag mo sa naturang tao, pansinin mo lang siyang mabuti. Ano ba ang pinakamalakas niyang Karakter? Darating din ang oras, may makikita kang ugali niya na tutugma sa iyong mahuhulaan.

- Zodiac Sign (Bulgar) ni Nympha Miano - Ang


Comments

  1. oo owkie tlga..
    ang sinabi parang tama lahat sa akin...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...