HABANG walang nae-establisang kahalagahan na may kaugnayan sa singsing na maaaring isuot sa inyong kasal, ang ilang singsing ay may likas na sinisimbolo, depende sa daliri na pagsusuutan. Ito ay espesyal na totoo sa engagement at wedding ring pero may kaugnayan din sa iba pang uri ng singsing.
1. Magsuot ng singsing na ayon sa iyong birthstone upang makita ang birth month mo ayon sa iyong gusting estilo.
2. Umorder ng school ring na nagpapakita ng taon ng iyong graduation at aktibidad na sinalihan. Ayon sa tradisyon, sinasabi na ang singsing ay isinusuot sa ayos ng insignia (paharap sa'yo) habang ikaw ay nasa eskuwela pero kapag ang insignia ay nakalabas ( malayo sa iyo) ito ay matapos kang nag-graduate.
3. Magsuot ng friendship ring o sumisimbolo ng closeness pero hindi gayon karomantiko ang relasyon. Ang singsing ay madalas na isuot sa maliit na daliri na maaaring isuot sa anumang daliri sa kahit anong kamay.
4. Pumili ng Irish Claddagh ring (dalawang kamay na may hawak na puso at korona) bilang friendship, engagement o wedding ring. Bawat uri ay may simboliko, habang nakasuot sa iyo ang singsing.
5. Ibigay o isuot ang promise ring bilang simbolo ng pag-ibig, faith at commitment pero hindi engagement. Ang singsing na ito ay kadalasan isinusuot sa ring finger ng kaliwang kamay pero hindi pormal o may kamahalan bilang engagement ring.
6. Magsuot ng diamond ring sa ring finger ng kaliwang kamay para makita ang engagement. Ang diyamante ay sinisimbolo ng kapurihan at kakuntentuhan.
7. Isuot ang wedding ring sa ring finger ng iyong kaliwang kamay. Ayon sa kasabihan, ang ugat mula sa naturang daliri ay diretso sa puso, magsuot ng singsing dito na mas malapit sa puso.
8. Kung magnobyo ang estudyante, isinusuot ng lalaki ang class ring ng babae sa kanyang pinky finger, habang ikukuwintas naman ng babae ang kanyang singsing.
9. Ang disenyo ng promise ring ay simpleng gold na may nakadikit na dalawang puso.
10. Sa ibang kultura, ang wedding ring ay isinusuot sa ring finger ng kanang kamay.
11. Kung magbibigay ka ng promise ring na may diyamante, tiyakin na hindi ito interpretasyon ng engagement ring lalo na kung hindi ka pa handang ma-engage.
source: Bulgar
Tanong ko lang po..ayus lang po ba na isuot agad ang wedding ring namin kahit Hindi pa kami kasal..mga 3 month pa kasi bago kami ikasal..huhubarin nlng nmin ito pagdating ng kasal..at sa simbahan nlng nmin isuot agad..
ReplyDelete