Skip to main content

Love Tips: 13 UTOS SA MGA TORPE





ANG pagiging mahiyain ay karaniwan nang ugali ng isang lalaki. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nagiging aktibo sa harap ng ibang tao, mula sa pagsasalita ng kanyang tunay na damdamin sa anumang bagay at ang pinakamalungkot ang maligawan ang babaeng kanyang gustong maging nobya at asawa.

1. MAGPRAKTIS SA HARAP NG KAIBIGAN. Ang malaking dahilan sa pagkamahiyain ay ang takot na mabasted. Tanggalin ang dahilang ito sa pakikipag-usap at pagpili sa babae para sa iyong kaibigan o iyong kapatid (pero tiyakin na alam ito ng iyong kaibigan). At dahil ang iyong ego ay hindi itinataya, hindi ka masyadong personal na involve sa iyong approach. Ramdam mo kasi na walang big deal at gusto mo lang mapraktis ang pakikipag-usap.

2. MAG-POKUS SA UNTI-UNTING HAKBANG. Magsimula sa 12 steps program. Simulan mo sa matamis na ngiti. Ipakita sa lahat hindi lamang sa cute girl na ikaw ay friendly at madaling makausap. Sa sumunod na araw, gawin na ang makipag-“hi.” Ang sumunod ay medyo makikipag-usap na. Iparamdam sa kanya na bukas-loob ka at madaling kausap. Kung medyo nakapagbiro ka, okey lang. Madali lang namang magpatawad ang tao. Kung naaakit sa maganda, ganito ang gawin. Kailangang alamin kung anong hitsura ng lalaki ang hanap niya at ganu’ng hitsura ang siya mong i-project.

3. SIMULANG TANUNGIN ANG ESPESYAL NA BABAE NG SIMPLENG TANONG. Maipakita mong nagmamalasakit ka dahil nakumusta mo siya ng araw na iyon.

4. HUWAG MASYADONG PERSONALIN ANG ISANG BAGAY. Kung nais magtagumpay sa larangan ng pag-ibig, kahit anong sandali ay puwedeng tiyempuhan, pero anuman ang kanyang timing sa iyo ay huwag masyadong damdamin. Huwag masaktan kung may nabanggit man siyang iba.

5. MATUTONG MAKINIG. Huwag ikaw ang laging magsasalita. Kung puwede ay pagsalitain ang babae. Isang beses lang magtanong at saka makinig na sa kanya. Kung bagot na siya sa usapan, ibahin ang paksa. Sumundot ng iba pang bagay na mapag-uusapan para maipagpatuloy ang kuwentuhan.

6. MAKIPAG-USAP SA MARAMI. Huwag matakot na makipag-usap kahit kanino, mula sa isang matandang naggo-grocery, praktis lang ang kailangan.

7. HUWAG MATAKOT NA MABASTED. Maraming boksingero ang sumasagupa pero kahit natatalo ay nagpapatuloy sa larangan. Ganyan ka rin, hindi ka dapat umasa na laging panalo. Kaya kung anuman ang karanasan sa panliligaw ay ituring itong isang positibong learning experience. Ang trick dito ay hindi dapat sumuko. Ang pagkamahiyain at pag-aalangan ay nangyayari kung iniisip lagi ang kakulangan. Sa halip, ipokus ang isipan sa babaeng kausap. Kalimutan ang kakulangan, makikita mo kung paano ka bibigyan ng atensiyon.

8. LUMABAS AT MAKIPAGKAIBIGAN. Lumahok sa mga aktibidad na nakikipag-ugnayan sa maraming tao gaya ng pagdyi-gym, exercise class, college society o hobby club. Sa lugar na ito, dapat lagi kang nakikipag-ugnayan at darating ang time na magiging komportable ka rin. At higit sa lahat, garantisadong dito mo matatagpuan ang babaeng magpapatibok ng puso mo.

9. SIMULAN SA SARILI MO. Kapag tatalikuran na ang pagkamahiyain, kailangan ng panahon at tiyaga, makikita mo kung paano magbabago ang iyong buhay.

10. IMADYININ NA NAKIKIPAG-USAP KA LAGI SA ISANG KAIBIGAN. Iyong walang seksuwal na atensiyon para maging komportable sa pakikipag-usap.

11. TUMINGIN NANG MATA SA MATA. At ipaalam sa kanya na ikaw ay interesado. Pero huwag namang tititig.

12. MAGPAKATOTOO, MAGING MARESPETO SA BABAE.

13. BATIIN ANG MALILIIT NA BAGAY SA KANYA. IYONG MGA BAGAY NA ‘DI MASYADONG NAPAPANSIN NG IBANG LALAKI. At kapag nagawa ‘yan, feeling niya espesyal na siya.




Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...