Skip to main content

MONEY TIPS: PARA MATURUAN ANG MGA ANAK NA MAG-IPON





Nagsimula na ang pasukan sa eskuwela at maraming problema na naman ang kinakaharap ng mga magulang lalo na kung paano tuturuan ang mga anak na mag-ipon.

Noong bata pa kami, ang paniniwala naming mag-asawa ay pinakamainam na paraan para turuang mag-ipon ang aming mga anak ang pagbibigay sa kanila ng allowance na sapat lamang at hindi hihigit sa kanilang kailangan.Nagdadala naman sila ng baong pagkain na pangmeryenda at pananghalian sa kanilang pagpasok.Inihahatid-sundo sila ng school bus at pinadadalhan ng pocket money na angkop sa kanilang edad.Dahil hindi naman sapat ang kanilang pera para makabili ng mga bagay na gusto nila, natuto ang aming mga anak na mag-ipon at maging “wais” sa paggasta.

Ikinukuwento nila na may mga kaeskuwelang natutong maging maparaan para magkaroon ng kahit kaunting kita. Naghahanap sila ng mga basyo ng bote na ibinabalik sa tindahan kapalit ng pera. Natutunan din nilang magtrabaho upang kahit paano ay magkaroon ng mapagkakakitaan. Kapag tinatanong sila ng mga kaibigan at kamag-anak kung ano ang gusto nilang regalo, sinasabi man nila ang nais nila ay nagpapahiwatig naman ang mga bata na mas gusto nila kung perahin na lamang.
Ipinagbukas namin ang mga anak namin ng saving account mula sa totoong bangko at bukod pa rito, mayroon din silang “home bank” saving book. Sa ilalim ng home bank, idinedeposito nila sa amin ang kanilang ipon at tutumbasan namin ito ng kaukulang interes na 10% na mas mataas kaysa ibinibigay ng tunay na bangko. Naging insentibo ito sa kanila para magdeposito at limitahan ang pagwiwithdraw.

Higit na kumplikado ang mundo sa panahong ito kaysa noong bata pa ang mga anak namin. Pero ang lahat ng konseptong itinuro namin sa kanila ay angkop pa rin.


Pinakamabigat na suliranin ng mga magulang sa ngayon ay ang pagkakaroon ng maraming tukso sa mga bata sa kapaligiran. Isa pang nakapupukaw ng kanilang atensiyon ay ang telebisyon na nagpapakita ng kung anu-anong produkto na para bang lubhang kailangan sa buhay. Sa panahong ito, lalong mahalaga ang pagiging malapit ng mga magulang sa kanilang mga anak para magabayan ang mga ito at maturuan ng tamang pagpapahalaga. Ngunit ingatan na hindi magmukhang sermon ang pakikipag-usap sa mga anak dahil kung ganito ay hindi maiiwasang maging sarado ang kanilang isipan at hindi na makikinig sa mga pangaral.
- Easy Money (Bulgar) ni Francisco Colayco


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...