1. BURGLAR ALARM. Gaano man kaligtas kung iisipin ang iyong bahay, hindi natin masasabi kung kailan ka magiging biktima ng akyat-bahay. Napakahalagang maging ligtas ang inyong tahanan para sa iyong proteksiyon maging ng buong pamilya. May ilang paraan para maging ligtas ang tahanan, gayundin ang pamila na maging biktima ng nakawan at krimen.
2. OPEN WINDOW. Maglagay ng security system sa mga bintana at pintuan. Kung marami kayong kagamitan sa loob ng bahay, mainam nang mag-invest ng home security. Lahat ng bintana at pintuan ay lagyan ng security stickers.
3. DEADBOLT LOCK. Maglagay ng deadbolt lock sa mga bintana o pintuan. Tsekin din kung gumagana ang mga susian ng pinto
at bintana. Kung minsan, pinag-aaralan ng magnanakaw kung paano papasukin ang bintana lalo na kung salamin ito at saka sila babalik sa susunod na pagtatangka. Kaya dapat regular ninyong tingnan ang inyong mga bintana at pintuan.
4. MAGSARA NANG HUSTO. Huwag iwang bukas ang mga bintana sa unang palapag ng tahanan habang kayo ay natutulog. Nakikita kasi ng magnanakaw kung ano ang laman ng bahay. Huwag ding magiiwan ng hagdan sa labas ng bahay. Lagyan din ng bolt ang mga pintuan ng kuwarto na kahit makapasok ang magnanakaw sa loob ng bahay ay at least, sarado pa rin ang inyong mga silid. Makatatawag ka pa sa pulisya habang nasa loob ka ng kuwarto sakaling may marinig kang pumasok sa iyong bahay.
5. CELLPHONE. Pinakamahalaga sa lahat, dapat lagi kang may cellphone sa iyong tabi habang natutulog. At least, putulin man ng magnanakaw ang linya ng telepono, puwede mong magamit ang iyong cellphone para makahingi ng tulong. Mas mainam na tseking mabuti ang mga lock ng bahay bago matulog sa gabi.
- Tips (Bulgar) ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment