Nakababahala ang dumaraming kaso ng hindi magagandang insidente na nararanasan ngayon ng mga menor de edad sa kamay ng mas nakatatanda. Ang mga nakatatanda na dapat sana’y gumabay at magbigay tulong sa mga kabataan upang maabot nila ang kanilang pangarap ang sila pang nagiging hadlang para masira ang kinabukasan ng mga batang ito. Alamin ang tungkol sa proteksyon ng bata laban sa mga ganitong klaseng pang-aabuso. Ito ang kaalaman tungkol sa karapatan ng bata laban sa mga mapang-abuso sa ilalim ng R.A no. 7610.
Ang insidente ng karahasan sa mga menor-de-edad, halimbawa
ay ang pagpapakita ng ari ng matatandang lalaki sa batang paslit ay maituturing
na isang paglabag sa Republic Act (R.A) No. 7610 o ang tinatawag na “Special
Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”
Nakasaad sa Section 3 (b) ng article I ng nasabing batas ang mga gawain na
maituturig na child abuse:
“Section 3. Definition of Terms. – x x x
(b) “Child abuse” refers to the maltreatment, whether habitual or not, of the child which includes any of the following:
(1) Psychological and physical abuse, neglect, cruelty, sexual abuse and emotional maltreatment:
(2) Any act by deeds or words which debases, degrades or demeans the intrinsic worth and dignity of a child as a human being;
(3) Unreasonable deprivation of his basic needs for survival, such as food and shelter; or
(4) Failure to immediately give medical treatment to an injured child resulting in serious impairment of his growth and development or his permanent incapability or death. X x x”
Sa ating halimbawa na pagpapakita ng ari ng isang matandang
lalaki sa menor de edad ay nagdulot ng
matinding pagkabagabag sa kanya ay maaaring maituring na isang psychological
abuse sa bata. Ang aksiyong kanyang nasaksihan ay maaaring nagpababa sa panloob
na pagpapahalaga sa sarili at dignidad ng iyong anak bilang isang tao. Dahil
dito, ay maaari mong kasuhan ang matandang lalaki na gumawa nito sa iyong anak
ng paglabag sa Section 10 (a) ng article VI na nagsasaad na:
“Section 10. Other Acts of Neglect,Abuse,Cruelty or Exploitation and Other Conditions Prejudicial to the Child’s Development.—
(a)Any person who shall commit any other acts of child abuse, cruelty, or exploitation or to be responsible for other conditions prejudicial to the child’s development including those covered by Article 59 of Presidential Decree No. 603, as amended, but not covered by the Revised Penal Code, as amended, shall suffer the penalty of prison mayor in its minimum period. X x x”
Maaaring maparusahan ng pagkakakulong ang matandang lalaki
sa loob ng 6 na ton at 1 araw hanggang 8 taon. Ang nasabing kaso ay maaaring
isampa sa tanggapan ng piskalya sa lugar kung saan nangyari ang insidente
Source: Bulgar credits to: Magtanong Kay Atty Persida V.
Rueda Acosta
Comments
Post a Comment