Skip to main content

Comfort Zone: Paano Ka Makakawala Rito?



Marami sa atin ang nawawalan ng lakas ng loob para sumubok ng iba pang bagay. Sa kabuuan, marami sa atin ang takot na hindi magtagumpay. Takot na humarap sa iba’t ibang pagsubok na maaaring magresulta sa isang lalong mahirap na kondisyon. Kaya’t nanatili sila sa isang kalagayan kung saan lang sila nakararamdam ng ginhawa, kung tawagin ay Comfort Zone.


Ang pagliban mo sa iyong Comfort Zone ay di nangangahulugang nais mong makaranas ng mga negatibong bagay sa iyong buhay. Bilang isang tao na nais umunlad at nais ng pagbabago sa iyong buhay, hindi ka dapat na matakot pakawalan ang iyo ng mga kinasanayan ng gawin sa araw-araw.

Kaya’t para sa ilan na nais sumubok ng bagong challenge sa kanilang buhay. Ito ang tips kung paano makawala sa inyong comfort zone na tiyak na makatutulong sa iyo na madiskubre pa ang iba mo pang kakayahan, talento at abilidad para lalo ka pang umunlad sa iyong buhay.

Tanungin mo ang iyong sarili. Hindi naman porke’t mayroon ka na ng isang bagay sa iyong buhay ay ito na lang ang makapagpapasaya sa iyo. Tanungin mo ang iyong sarili kung ano pa ang mga bagay na pwede mong gawin para magkaroon ng bago sa buhay mo. Kung ikaw ay mag-isang nakatira malayo sa gabay ng iyong magulang at ikinalulungkot mo ito sapagkat sana’y iniisip mo na kasama mo na lang sila para hindi ka nahihirapan- bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung ano ang mga bagay na pwede mong baguhin para hindi mo maranas ang lungkot. Ang pagbabago sa iyong pamumuhay ay may hatid na maturity sa iyong pagkatao at tinutulungan ka nitong mas lumawak ang iyong pag-iisip.

Kailangang handa kang magsakripisyo. Gaya ng halimbawang mas nais mong manood na lamang ng telebisyon para mag-enjoy kaysa sumama sa imbitasyon ng iyong mga kaibigan na sumali sa isang yoga class. Dahil alam mong mas madaling mag-relax sa bahay sa harap ng telebisyon, mahiga at kumain, ay tatanggihan mo ang mabuting dulot ng Yoga para ikaw ay ma-relax dahil ayaw mo ng sakripisyo. Dapat mong baguhin ang ganitong pag-iisip.

Ang buhay ay nararapat lamang na puno ng mga pagsubok. Kailangan mo ng challenge para makawala ka sa iyong comfort zone. Ganoon lamang kasimple iyon. Ang lahat ng pangyayari sa iyong buhay, mahirap man ito sa una ay makapagpapatatag sa iyong pagkatao. Kung takot kang sumubok at madapa hindi ka matututo at hindi mo matutuklasan ang iba mo pang kayang gawin. Kaya’t huwag kang matakot na sumubok sapagkat walang masama rito.

At ang huli, ay limutin mo na at pakawalan ang nakaraan. Huwag kang magpatalo sa mga alaala ng nakaraan na siyang nagpapahirap sa iyo sa kasalukuyan. Sapagkat ang mga alaalang ito ay nagdudulot lamang sa iyo ng mga negatibong emosyon gaya ng kalungkutan at paghihinagpis. Ang unang hakbang para kalimutan ang nakaraan ay ang paggawa ng mga bagong aktibidad.

Sabi ni Setyaningrum Rosdiana, isang pyschologist, ang tapang na sumubok ng bago sa iyong buhay ang siyang magbubukas ng bagong opurtunidad para sa iyo upang ikaw ay magtagumpay.
Source: medicmagic.net


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...