Skip to main content

Paano Dumiskarte Sa Babae? (Flirting Tips For Men)



Hindi madaling lumapit sa isang magandang babae. Maraming pick up lines ang usong uso ngayon na gamitin para magka-interes sa iyo ang babae pero iilan lang sa mga ito ang turn on para sa kanila. Kailangan mo ng karisma, tamang diskarte at sense of humor para makuha mo ang atensyon ng babae. Ito ang ilang flirting tips para sa mga lalake:

Relax lang at maging confident. Iyan ang unang paraan para maka-usap mo ng maayos ang babae.

Lapitan mo ang babae, ngumiti at tanungin siya kung mayroon ba siyang hinihintay. Kapag sinabe niyang OO meron , tanungin mo siya kung pwede mo ba siyang makausap habang may hinihintay siya. Kung tumanggi ang babae, maghanap ka na ng ibang babaeng didiskartehan.

Kung flirting lang din at first time mong makita ang girl, tignan mo ang babae sa mga mata, eye to eye contact ang kailangan pagkatapos ay hawakan mo ang kanyang kamay o makipag-holding hands.

Tandaan ang lahat ng detalye na nalaman mo tungkol sa kanya. Magagamit mo ito.

Bilhan siya ng maiinom.

Hawakan siya. Make sure lang na hindi bastos ang dating.

Maging orihinal ka sa mga pick up line mo. Kasi baka narinig na niya yan kay boy pick up.

Mag-joke ka at siguraduhin mong “Havey” ang joke. Iyong tatawa siya ng sobra.

Titigan mo ang kanyang kaseksihan at ipaalam mo sa kanya na sobrang attracted ka.
Maging interesado.  Makinig ka sa kanyang mga ikinukwento.

Kung may dumi sa kanyang mukha, Aba’y ilabas mo na ang iyong panyo at alisin mo ito. Siguraduhing malinis ang panyo.

Bulungan mo siya na parang kinikiliti ang kanyang tainga sa iyong sasabihing sikreto.

Batiin mo ang kanyang ganda.

Tanungin siya kung pwede ka niyang samahan sa isang lugar.

Kung kailangan niya ng distansya sa yo. Ibigay mo.

Maging pakipot paminsan-minsan. Hindi ‘yan masama.

Hawakan ang kanyang kamay at yayain siyang magsayaw

Huwag mong ipaalam lahat sa kanya ang lahat tungkol sa iyo sa una ninyong pagkikita, hayaan mo ang bebot na tuklasin ito.

I-respeto mo siya. Ang babae ay ginagalang. Alam mo na yan katoto.

Iwasan ang usapang politika at relihiyon

Huwag mong iparamdam sa kanya na tanging iyun lang ang laman ng utak mo. Alam mo na kung anong sinasabi ko. Huwag kang magmalinis.

Huwag kang maging agresibo. Ayaw yan ng mga babae. Iiwasan ka lang niyan sige ka.

Tanungin siya kung nais ba niyang maglakad lakad sa park o kaya sa beach.

Matutong makinig sa kanyang mga kwento at iwasan mo ang magbida-bidahan sa inyong pag-uusap.
At higit sa lahat, magdamit ka ng malinis, maayos at mabango. Turn off sa mga babae ang mga lalakeng hindi alam ang salitang hygiene.

Iyan ay ilan lang sa kung paano mo didiskartehan ang babaeng gusto mo. Ano pang hinihintay mo? Bilis at baka maunahan ka pa ng iba. 
Source: superlovetips


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Children’s Protection: Tungkol Sa R.A no. 7610

Nakababahala ang dumaraming kaso ng hindi magagandang insidente na nararanasan ngayon ng mga menor de edad sa kamay ng mas nakatatanda. Ang mga nakatatanda na dapat sana’y gumabay at magbigay tulong sa mga kabataan upang maabot nila ang kanilang pangarap ang sila pang nagiging hadlang para masira ang kinabukasan ng mga batang ito. Alamin ang tungkol sa proteksyon ng bata laban sa mga ganitong klaseng pang-aabuso. Ito ang kaalaman tungkol sa karapatan ng bata laban sa mga mapang-abuso sa ilalim ng R.A no. 7610. Ang insidente ng karahasan sa mga menor-de-edad, halimbawa ay ang pagpapakita ng ari ng matatandang lalaki sa batang paslit ay maituturing na isang paglabag sa Republic Act (R.A) No. 7610 o ang tinatawag na “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” Nakasaad sa Section 3  (b) ng article I ng nasabing batas ang mga gawain na maituturig na child abuse: “Section 3. Definition of Terms. – x x x (b) “Child abuse” refers to the ...