Skip to main content

Direct Selling Companies Na Patok Sa Pilipinas



Nagbibigay ng isang magandang opurtunidad upang kumita ng pera ang pagsali sa Direct Selling. Ikaw ay pwedeng maging myembro ng direct selling companies kahit pa ikaw ay estudyanteng naghahanap ng pang-tuition fee, nanay na busy sa gawaing bahay ngunit nais kumita ng ekstra, mga kabataan na naghahanap ng pagkakakitaan habang wala pang makuhang trabaho. Wala namang malaking puhunan na kinakailangan sa pagsali sa direct selling, bukod pa riyan hawak mo ang iyong oras.


Paano Ba Ito  Gawin?

Ang kailangan mo lang ay maging myembro. May mga direct selling company na kailangan mong magbayad ng membership fee at mayroon namang hindi. Pagkatapos ay pwede mo ng ibenta bilang ahente ang mga produkto nila. Ikaw ay may porsyento sa bawat produkto na iyong mabebenta. Higit pa riyan, bibigyan ka nila ng credit limit para naman kahit wala kang puhunan ay pwede kang magpa-utang sa iyong mga magiging suki.

Sa ibang direct selling company ay mayroon ding tinatawag na referral program. Sa ganitong paraan, kapag may myembrong sumali dahil sa iyong referral ay maaari ka ring kumita ng porsyento sa bawat produkto na kanilang ibebenta. Kaya naman, sinasabing ikaw ay pwedeng magkaroon ng unlimited income sa direct selling.

Legal Ba Ang Direct Selling? Tips Para Malaman Kung Legal o Hindi:

Walang dudang legal ang pagdi-direct selling. At ito ay magandang panghalili sa negosyong nais mong pasukan ngunit wala kang puhunan. Ito ay isang negosyong kahit walang pera para sa malaking kapital ay pwedeng pwedeng pagkakitaan.

Bagamat ang direct selling ay legal, may mga ilang kompanya ang pwede kang pagsamantalahan. Ang ilan sa mga ito ay pyramiding. Paano ba malalaman kung legal ang isang direct selling company na sasalihan.

Ayon sa 8 point legality test ng International Council for Direct Selling Company o ICDSI. Ito ang mga dapat mong tandaan:

  1. Mayroon bang produkto?
  2. Ang porsyento ba ng iyong kita o komisyon ay mula sa pagbebenta ng produkto o sa pagbabayad lamang ng membership fee?
  3. Ang pagbebenta ba ng produkto ay hindi para lamang sa posisyon?
  4. Wala bang direktang korelasyon ang bilang ng dami ng referral sa laki ng komisyon?
  5. Kikita pa rin ba ang myembro kung wala na ang Referral program o Recruit System?
  6. Makatwiran ba ang kanilang return policy pagdating sa produkto?
  7. Makatarungan ba ang market value ng kanilang produkto?
  8. Mayroon bang magandang rason para bilhin ang kanilang produkto?

Kung OO lahat ng sagot mo sa walong tanong na ito, malamang sa hindi, legal ang direct selling company na iyong sasalihan. Kung lahat HINDI ang iyong sagot. Aba’y magdalawang isip ka ng sumali.

Direct Selling Companies Na Patok Sa Pilipinas

Heto naman ang ilang kompanya ng direct selling na sikat at patok sa Pilipinas. Certified legal ang mga ito at kung determinado kang kumita ay kikita ka talaga ng pera. Ikaw na ang bahalang pumili.

AVON Philippines
Ang mga uri ng produktong iyong mabebenta ay make up, skin care, personal care, pabango at apparel
Pwede kang magtungo sa kanilang website para sa iba pang impormasyon avon.com.ph

Boardwalk Business Ventures
Ang pangunahin nilang produkto ay mga sapatos. Apparel at fashion accessories
Ito ang kanilang website boardwalk.com.ph

Dakki Classic Concept
Ang mga produkto ay unan, damit, at iba pang gamit sa bahay
Website: dakki.com.ph

MSE Marikina Shoe Exchange
Sapatos at iba pang footwear naman ang mayroon dito. Pwede mong bisitahin ang mse.com.ph para sa iba pang impormasyon

Natasha
Iba’t ibang produkto ang mayroon sila tulad ng damit, pabango, sapatos, cosmetic, skin care products. Ilan sa mga artistang tulad nina Robin Padilla at Jericho Rosales ay ka-tie up ng kompanya na ito.
Para sa iba pang impormasyon ay bumisita sa natasha.ph
Source: businessdiary.com.ph


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...