Alam ninyo bang may mga pag-aaral na mas tumatagal ang relasyon ng dalawang taong nagmamahalan kapag sila ay laging nagtatalo o nag-aaway? Kung minsan, dahil sa takot na tayo ay iwan ng ating karelasyon ay ipinagsasawalang-bahala na lang natin ang kanyang mga kasinungalingan. Mahirap mang aminin sa sarili, tayo ay nagbubulag-bulagan sa sitwasyon at nananahimik na lamang.
Sabi ng mga psychologist, mas masosolusyunan ang problema ng
magkarelasyon kung sila ay mag-aaway. Sa pamamagitan kasi noon ay madaling
masolusyunan ang problemang kanilang kinakaharap. Samantalang, kung pipiliin na
lang ng isang babae o lalaki ang sama ng loob sa kanilang karelasyon ay hindi
niya maiiwasan ang makaramdam ng pagdududa. Ang pagdududahang iyon ay ang
mistulang anay na sisira sa inyong relasyon.
Sabi ni James McNulty, associate professor sa University of
Tennesse, hindi porke nagpatawad ang isang tao ay magagawa na niyang kalimutan
ang kasalanan ng kanyang karelasyon. Sa katunayan ay mamamahay ang kanyang
tampo sa kanyang puso at magiging dahilan iyon para manamlay ang pakikitungo
niya sa karelasyon. Samantalang, kung magkakaroon sila ng balitaktakan tungkol
sa problemang kanilang kinakaharap ay lalabas ang lahat ng sama ng loob na
kanilang kinikimkim. Kapag nangyari iyon ay siguradong mapapawi ang galit na
kanilang nararamdaman.
Ikaw nagagawa mo bang awayin ang iyong karelasyon kapag may
kasalanan siya o hindi ba mas gumagaan ang iyong loob pagkatapos? Kaya ikaw na
ang makapagsasabi kung tama nga ba ang sinasabi ng mga eksperto na mas
nagtatagumpay ang relasyon kung nag-aaway o nagbabalitaktaka ang magkarelasyon?
Source: Bulgar credits to : Gulat ka no ni Ria Gonzales
Yup. I agree with this.
ReplyDelete