Skip to main content

Tips Sa Pagluto Ng Embutido



Ang embutido ay isang meat loaf recipe na swak sa panlasa ng Pinoy. Madalas itong handa sa fiesta o kaarawan. Sa ngayon, mataas ang demand sa embutido kaya bukod sa masarap na sa panlasa, masarap din itong negosyo. Bukod pa riyan ay sobrang dali lamang gawin nito.


Ang mga kailangan na sangkap:

Para sa laman o karne (meat)
800 grams ng pork lean o pigue ( maigi ang pagkadurog)
200 grams ng pork back fat (durog)

Para sa extenders

¼ na tasa ng Texturized Vegetable Protein o TVP
1 kutsarang isolate
½ kutsaritang carageenan
½ tasa ng tubig, tatlong minutong i-haydreyt

Tandaan: ang TVP ay pwedeng idagdag panghalili sa portion ng lean meat

Para sa Seasoning

1 kutsarang asin, dapat ay refined ito
1 kutsaritang phosphate
½ kutsaritang curing salt
6 kutsarang asukal, dapat ay refined
1 ¼ kutsaritang black pepper, ground
2 kutsarang pickle relish
½ kutsaritang vetsin
1 ¼ kutsaritang tinadtad na sibuyas
2 kutsarang raisin (1 kahon)
3 kutsarang hiniwang vienna sausage para sa palaman
2 kutsarang powdered milk
2-4 na kutsarang potato starch
2 kutsarang tinadtad na karot
1 piraso ng sariwang itlog
1 piraso ng chorizo de bilbao, ginayat
¼ tasa ng ginadgad na keso ( opsyonal lamang)
Nilagang itlog na hiniwa sa apat
2 kutsarang mantikilya ( ipapahid sa aluminum foil)

Ready na ba ang iyong mga sangkap. Heto na ang paraan ng pagluto ng Embutido:
  1. I-hydrate ang ¼ na tasa ng TVP pati ½ tasa ng tubig sa loob ng tatlong minuto o hanggang sa lumambot.
  2. Paghaluin ang karne, asin, phosphate na tinunaw sa tubig, at ang curing saly. Haluin hanggang sa maging madikit. Idagdag ang iba pang sangkap at idagdag pati ang 1 itlog at potato starch sa huling bahagi.
  3. Maglagay ng mantikilya sa aluminum foil at ipahid ang meat mixture ( 1 tasa kada rolyo), 1 pulgada kada gilid. I-linya ang nilagang itlog o hiniwang sausage sa gitna. I-rolyo ang karne at i-twist ang magkabilang dulo.
  4. Turukin ang foil gamit ang isang aspile. Pakuluan ng isang oras. Pagkatapos ay palamigin.
  5. Palamigin sa refrigerator. Tanggalin sa wrapper at hiwain bago i-serve. I-freeze ang embutido kung ibebenta.
Ang sarap ng embutido ano? Tiyak na kapag masarap ang lasa ng iyong pagkaluto ay mahuhumaling ang iyong mga suki na bumili sa’yo. Tunay ngang, isang kumikitang kabuhayan ang pagbebenta ng embutido.
Source: businessdiary


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Children’s Protection: Tungkol Sa R.A no. 7610

Nakababahala ang dumaraming kaso ng hindi magagandang insidente na nararanasan ngayon ng mga menor de edad sa kamay ng mas nakatatanda. Ang mga nakatatanda na dapat sana’y gumabay at magbigay tulong sa mga kabataan upang maabot nila ang kanilang pangarap ang sila pang nagiging hadlang para masira ang kinabukasan ng mga batang ito. Alamin ang tungkol sa proteksyon ng bata laban sa mga ganitong klaseng pang-aabuso. Ito ang kaalaman tungkol sa karapatan ng bata laban sa mga mapang-abuso sa ilalim ng R.A no. 7610. Ang insidente ng karahasan sa mga menor-de-edad, halimbawa ay ang pagpapakita ng ari ng matatandang lalaki sa batang paslit ay maituturing na isang paglabag sa Republic Act (R.A) No. 7610 o ang tinatawag na “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” Nakasaad sa Section 3  (b) ng article I ng nasabing batas ang mga gawain na maituturig na child abuse: “Section 3. Definition of Terms. – x x x (b) “Child abuse” refers to the ...