Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2012

Mga Pagkaing Bawal Sa Nagpapapayat? (Diet Tips)

Dahil sa paborito ninyong tips ang mga tungkol sa pagpapapayat o mga diet tips , heto ang ilan pa sa mga pagkaing bawal sa mga nagdi-diyetang tulad mo. Ito ang ilan pa sa mga pagkaing akala natin ay nakatutulong sa ating pagda-diet iyun pala’y kung mali o labis ang pagkain mo ng mga ito ay magiging sagabal ito sa iyong goal na pumayat. Tulad ng popcorn, ang air-popped popcorn ay sagana sa nutrisyon, mataas din ito sa fiber at sadyang diet-friendly snack ito. Ngunit maaaring mawala ang healthy credentials nito kung mahahaluan ito ng mantikilya. Ang ilang pop corn na nabibili sa sinehan ay may mataas na fats at calories mula sa asukal at butter. Ang masarap na granola bar na nabibili natin sa supermarket ay malusog para sa katawan ng isang tao.  Gayunman, isang eksperto ang nagsabing hindi ito magandang diet food. Ang granola ay mayaman sa nutrisyon at punum-puno ng fiber. Mas mainam kung kaunting bahagi lang ng granola ang kakainin ay piliin iyung sugar free. I...

Nakagagaling Ba Ang Antibiotic Sa Sipon? (Common Colds)

Dala ng pabago-bagong panahon ay maaari tayong makaranas ng sipon o common colds. Ang hirap nito lalo na’t kapag barado ang iyong ilong, napakahirap makatulog sa gabi. Ang ilan sa atin para mawala ang sipon ay iniinuman ng antibiotic tulad ng ampicillin? Pero mayroon nga bang epektibong antibiotic para sa sipon? Ayon kay Doc Shane M. Ludovice, sadyang napakahirap magkasakit lalo na at paiba-iba ang panahon sa ngayon, uulan at pagkatapos ay aaraw, kaya hindi maiwasan magkasipon (common colds) lalo na kung tayo ay nasa labas at crowded ang ating kapaligiran. Mas nakakakuha tayo ng sakit kapag tayo ay nasa mataong lugar. Ilan sa sintomas ng common cold ay ang runny nose o tumutulo ang sipon, baradong ilong, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, minsan ay may kasamang lagnat at pag-ubo. Ang ginagawa mo o ng iba pa sa atin na kapag may sipon ay umiinom agad ng antibiotic ay mali. Bakit? Kasi ang sanhi ng sipon ay virus at walang epektibong gamot laban sa virus tulad din ng sa ...

Mga Kaalaman Tungkol Sa Tinea Infection

Mayroong isang katotong nakaranas ng pagkakaroon ng pangangati sa kanyang balat na parang rashes sa bandang singit niya. Hugis pabilog ito na mamula –mula? Ano kaya ito? Ayon kay Doc Shane Ludovice M.D, Tinea ang tawag sa ganitong klase ng impeksyon sa balat at karaniwang tinatamaan nito ay ang puson o dakong ilalim at singit dahil ang lugar na ito ay mainit-init at nagiging mamasa-masa lalo na kapag pinapawisan. Ang tipikal na hitsura ng buni ay ganito: Nagsisimula ito bilang butlig na mapula, Makati at kapag pumutok, ang rashes ay unti-unting kumakalat na pabilog ang korte at mapapansin na ang pinakagitna nito ay parang nagiging flat at clear subalit, ang mga gilid ay mapupula at nakaumbok. Mapapansin din na kapag ito ay natuyo,nagkakaroon ng puting kaliskis o parang balakubak ang hitsura. Hangga’t hindi ito nagagamot ay patuloy ang pagdami nito. Kung ito ay tinea infection o ringworm, mainam ang pag-inom ng antifungal tablet (Ketoconazole o Terbinafine sa loob ng i...

Dapat Gawin Sa Kapitbahay Na Nananakot (Neighbor's Quarrel)

May matinding neighbor’s quarrel ba kayo? Tipong nakararanas ka na ng pananakot o tipong nagkakalat na na ng tsismis ang iyong kapitbahay na hindi maganda tungkol sa iyo? Ito ang ilan sa tips kung anong dapat gawin kapag nanakot na ang iyong kapitbahay. Know the exact problem. Determinahin mo kung ano at saan ba nangagaling ang problema. Kung may naririnig ka sa tsika ng ibang kapitbahay na nagsasalita siya nang hindi maganda tungkol sa iyo, hindi naman ibig sabihin na totoo na. At baka naman iba rin ang iyong mga narinig. Bago ka magwala sa sitwasyon, tiyakin na alam mo talaga ang tunay na problema. Be civilized. Manatili kang sibil at kampante. Mahihirapan ang kapitbahay na makipagtalo sa isang taong palakaibigan at mabait. Panatilihin mo pa rin sa iyong ugali na maging “palabati” at laging nakangiti sa kanya sa tuwing makikita mo ang iyong kapitbahay. Kahit na wala kang nakikitang good side niya, basta patuloy kang maging mabait sa kanya, tiyak na kakampihan ka pa ...

Paano Makakaiwas Manakawan Ang Tourist Abroad?

First time mo bang mag-travel abroad bilang isang turista? Maganda iyan, karagdagan iyan sa experience mo at ito ay magiging bahagi na ng iyong alaala. Kaya naman, dapat ay maging memorable ito sa iyo. Ngunit hindi maiiwasan na may mga lugar kung saan maraming krimen ang nagaganap tulad ng pagnanakaw. Kaya naman, naisip naming ibahagi ang tips na ito sa inyo mga katoto para makaiwas kayo na manakawan habang kayo ay nagtuturista abroad. Tips For Tourist When They Travel Abroad Learn to investigate. Bago ka magsimulang magbiyahe o mangibang-bansa, imbestigahang mabuti ang mga lugar na peligroso sa bansang pupuntahan. Iwasan ang mga lugar na mababatid mong delikadong puntahan at mataas ang antas ng krimen. Learn where to put your important belongings. Kung bibiyahe sakay ng bus o maglalakad, ilagay ang mga mahahalagang bagay sa isang pouch na nakasilid sa loob ng iyong damit o loob ng jacket. Kailangang nakatago ito parati na hindi ka nakikita ng mga magnanakaw para hindi ...

Kapag Nagpupuyat Ba Pwede Ng Magka-Acne?

Madalas ka bang magpuyat sa gabi para tapusin ang mga palabas na teleserye sa t.v o di kaya nama’y may proyekto sa skul na nais mong tapusin o trabahong kailangan mong ihabol sa deadline? Alam ninyo bang ang labis na pagpupuyat ay maaaring ikadami ng iyong acne sa mukha? Bagamat walang direktang paliwanag o ebidensya tungkol sa pag-uungnay ng pagpupuyat sa pagkakaroon ng acne. Mayroon namang mga indirektang paliwanag na kapag tayo ay nagpupuyat ay nagdudulot ito ng acne sa ating mukha. Ayon sa Livestrong at Buzzle, na kapag tayo ay nagpupuyat ay nababawasan ang pagpapahinga ng ating katawan o pagre-rejuvenate at ito ay magdudulot sa atin ng labis na stress, pamamaga, pagtaas ng insulin resistance at depresyon. Ang stress ay isang salik kung bakit tayo nagkakaroon ng acne. Ang labis na stress ay makapagpapasigla sa adrenal glands na responsableng nagdadala ng androgens. Ang paggugol ng mga hormones sa ating katawan ay nagbubunsod sa pagbubuo ng acne. Ang stress ay n...

Bakit Nagkakaroon ng Back Pain?

Back Pain Hindi dapat isawalang bahala ang pananakit na iyong nararamdaman tulad ng pananakit ng likod o back pain. Sa katotohanan, sumasakit ang ating likod hindi lang dahil natutulog tayo sa maling posisyon ng katawan,may mga ilang habits tayo na nagagawa kung kaya’t sumasakit ang ating likod at ang karamihan sa atin, hindi alam kung ano ang mga habit na ito na dapat nating pagtuunan ng pansin. Kung nakararanas ka na ng pananakit sa iyong likod ay puwede ka ng magsagawa ng stretching exercises. Ang mga exercise na ito ay puwedeng makapag-alis ng pressure sa iyong buto at makapagpa-relax sa iyong muscle. Ito ang ilan sa mga habit natin katoto kaya sumasakit ang ating likod o nakararanas ng back pain- ito ay ayon sa report ng Fox News . Ang labis na pag-upo ay nakapagdadala ng 40 porsyentong pressure sa ating gulugod (spine) kumpara sa kung tayo ay naka-upo. Sa pag-upo kailangan ay naka-upright posture tayo. At tiyakin na may minutong tatayo tayo para sa kaunting stre...

May Epekto Ba Ang Job Stress Sa Puso? (Heart Health)

Job Stress. Ang labis na pagtatrabaho ay nagdudulot ng sobrang pagod at stress. May ilan sa atin na kung tawagin ay workaholic ay nakararanas ng ganito sa araw-araw nilang pagtatrabaho. Babala! Sapagkat ito ay may masamang balik sa inyong kalusugan lalo na sa iyong puso. Ito ay may negatibong epekto sa kalagayan ng ating cardiovascular health. Kailangang alamin mo ang senyales ng stress at maging aware ka dito. Job Stress Can Cause Serious Heart Problem Idagdag pa rito, alam ninyo bang base sa pag-aaral na ang mga lalaking lugmok sa stress ay mas madaling mamatay kaysa sa mga babae? Sa mga babae naman, 67 porsyento ng mga kababaihan na pressure sa kanilang trabaho ay high risk sa heart attack, iyong 38 porsyento naman ay nakararanas ng stroke o alta-presyon- ito ay ayon sa ulat ng My Health News Daily. Napakalaki ng panganib na ito kumpara sa mga babaeng walang nararanasang job stress. Ang stress na tinutukoy natin rito ay iyung stress na hindi na kinakaya ng katawan o w...

Tips Para Paghandaan Ang Colon Hydrotherapy

Tulad ng sa paglilinis ng kwarto ay hirap ka ng linisin ito kapag sobra ng dumi tipong kahit anong walis mo at dakot ay pabalik-balik pa din ang dumi at alikabok- ganun din sa katawan ng tao, kapag barado na ang colon ay kinakailangan ng linisin o mas tinatawag na colon cleansing. Maraming salik ang nakagpapadumi sa ating colon kasama na riyan ang hindi magandang lifestyle, environmental toxins at iba pang cellular debris- tiyak na makararanas ka ng epekto tulad ng sakit ng ulo, acne, constipation atbp pang issue na kung tawagin ay autointoxification. Sa paglilinis ng colon ay may isang procedure na pwede mong subukan ,ito ay kung tawagin ay colon hydrotherapy. Karamihan sa mga doctor rekomendado ang colon hydrotherapy bilang parte ng detox protocol. Taliwas sa ibang pahayag ng ibang Western-trained physician, ang colonics ay ligtas at may hatid na benepisyo sa katawan kapag ito ay isinagawa ng isang tamang therapist- ayon ito kay Alejandro Juger M.D , sa kanyang librong Clea...

Tips Sa Pag-aalaga ng Daga (Rat as a Pet)

Madalas gawin silang panakot lalo na sa mga palabas na may temang horror o mga istoryang may kinalaman sa sakit. Iyan para sa iba ang mga daga pero para sa ilang pet lovers, isa sa mga magandang alagaan ay ang mga daga dahil matatalino ang mga ito at tulad ng mga alagang aso’t pusa, kaya rin nilang makipag-interact sa tagapag-alaga nila. Isa pa, hindi rin kailangan ng malaking espasyo sa isang bahay para mag-alaga ng mga daga. Ito ay ayon kay Zachariah Maule-North Star Rescue Northern CA . Rat as a Pet Kung ikaw ay pet lover at nais mong mag-alaga ng daga. Heto ang ilang tips sa pag-aalaga nito ayon kay katotong Maule: Mas maigi ang pagbili ng pares na daga kaysa isa. Bagamat ang mga daga ay kayang makipag-interact sa kanyang tagapag-alaga ay mas enjoy naman ang mga ito kapag may kaibigan din silang tulad nilang daga. Isa pa, mas mag-eenjoy ka rin kapag nakikita mo silang naghaharutan at nagkukulitan sa kanilang bahay pahingahan. Nakaka-alis ng pagod o stress kapag nakiki...

Mansanas- Pang-Iwas Heart Attack (APPLE)

Gawin mong lunas sa karamdaman ang mga pagkain- ito ay nasabi ni Hippocrates , isang Greek Physician na sikat sa mundo ng medisina. Ito ang nagmungkahi sa mga siyentista na tuklasin ang mabuting dulot ng mga pagkain sa kalusugan at tignan ang mga katangian ng bawat pagkaing ating kinokonsumo sa araw-araw nating pamumuhay. Isa na sa mga ito ang mansanas (apple) Ayon sa mga tagapagsaliksik na base sa   Florida State University ay mayroong katangian ang mansanas para sa ikabubuti ng kalusugan sa puso- ito ay ayon sa nabanggit ng Daily Mail .   Ang mansanas ay   natuklasan din noon na pampahaba ng buhay at maganda ring panlaban sa cellulite. Ang mga tagapagsaliksik ay gumawa ng isang  eksperimento gamit ang dalawang grupo ng mga babaeng nasa menopausal stage- sila kasi ang mga taong high risk sa atake sa puso. Ang unang grupo ay sinabihang kumain ng dalawang mansanas araw-araw. Ang ikalawang grupo naman ay sinabihang kumain ng duhat o plum araw-araw. A...

Alikabok- Banta Sa Kalusugan (DUST)

Alam ninyo bang kapag laging marumi ang inyong bahay ay pwedeng pamahayan ito ng mga alikabok (dust) at iba pang volatile organic compound (VOC) na maaari namang makita sa mga gamit na panlinis sa bahay tulad ng vacuum. Ang dulot ng mga ito ay pinsala sa ating kalusugan. Pinapadumi ng mga ito ang hangin sa loob ng inyong tahanan na maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit sa balat, allergy o galis, pati na rin ng pagkahapo o fatigue. Iyan ay base sa paliwanag ni Ian Cull-Indoor Air Quality Association . Nagbigay rin ng tips ang ating katotong si Ian Cull para laging malinis at fresh ang hangin sa loob ng ating bahay: Una na rito, ugaliin ang regular na paggamit ng vacuum. Linisin palagi ang vacuum para hindi ito makontamina at pamuhayan ng VOC. Pangalawa, buksan ang mga bintana at ugaliin ang paggamit ng exhaust fan kapag tayo ay nagluluto o nag-sho-shower. Malaking bagay din ang paggamit ng ozone free air purifiers bagamat ito ay supplemental lamang sa pagbibigay ng ...

Na-operahan Prone Sa Heart Attack

Marami na sa atin ang nakaranas na ma-operahan, maaaring sanhi ng aksidente tulad ng pagkahulog sa puno, nabundol ng sasakyan, naputukan ng paputok at kung anu-ano pa? We really can’t avoid accident, kaya nga aksidente pero syempre na sa atin na rin mismo ang dobleng pag-iingat. Napag-usapan na rin lang ang surgery, alam ninyo bang kapag kayo ay sumailalim na sa mga operasyon tulad halimbawa ng hip and knee replacement ay prone kayo sa heart attack? Based on the studies, ang mga taong suma-ilalim na sa operasyon tulad ng mga nabanggit ay may malaking peligro na sila ay atakihin sa puso. Tumataas ang posibilidad na mangyari ito hanggang 30 fold sa loob ng 2 weeks after the surgery. At ang iba pang banta sa kalusugan ay lumitaw at maging active hanggang 6 weeks matapos ang operasyon. Kaya naman nagbigay ng warning ang mga doctor na ang masyadong stress after ng surgery ay may malaking epekto. Sa operasyon, ang mga pasyente ay nakararamdam ng magkahalong tension,pangamba, ...

Mga Hindi Dapat Paniwalaan Ng Nagdi-dyeta

Ito ang mga kathang-isip na inaakala mong makatutulong sa iyong pagda-diet pero sa katotohan pala’y lalo lang magpapahirap sa pagbabawas mo ng timbang. Ang mga kathang-isip na ito ay nagbubunsod lamang sa hindi matagumpay na pagpapapayat o pagdi-dyeta. Para maging maalam ka- ito ang ilan sa mga ito ayon sa Eating Well : Kung healthy naman ang pagkain, hindi na mahalaga ang calorie content. Mali po to, Hindi porke’t masusustansya ang mga pagkain na iyong kinakain ay isasawalang-bahala mo ang calorie content nito. Halimbawa ng mga pagkaing ito ay whole wheat bread, avocado, beans, at pulang kanin- na kapag kumain ng sobra ay makakasama rin sa iyong pag-didyeta. Kaya naman ang payo ay hinay-hinay rin sa pagkain ng mga ito. Ang pagbaba ng timbang 4.5 kilograms sa isang linggo o higit pa ay masama sa kalusugan. Kadalasan itong nangyayari sa mga gumagamit ng extreme diet. Pero ito ay hindi mabuti sa pagdi-diyeta. Para makabawas ka ng 0.5 kilograms ng iyong timbang ay kinakaila...

No Exercise Parang Smoking Nakamamatay

Akala mo ba ay ligtas ka na sa mga sakit kapag hindi ka naninigarilyo? Mag-isip mabuti. Dahil tulad ng taong naninigarilyo, ang katamaran sa pag-eehersisyo ay pareho lang high risk sa banta ng kung anu anung karamdaman. Kapag wala kang ehersisyo o hindi ka ganun ka-enganyo sa mga dynamic activities ay para ka na rin lang nanigarilyo dahil pareho lang ang masamang resulta nito sa kalusugan. Sa U.K, higit sa 90,000 tao na hindi pala-ehersisyo ang dumaranas ng iba’t-ibang karamdaman tulad ng sakit sa puso, breast kanser, diabetes at pati colon kanser. Kaunti lang din ang lamang sa bilang ng dami ng pasyenteng naninigarilyo ang dumaranas ng parehong mga karamdaman, 100,000 ang bilang. Ito ay mula sa balitang hatid ng Fox News . Ang mga tagapagsaliksik sa Harvard University ay nagsabing maraming bilang ng buhay ang nawawala kada taon dahil sa hindi pag-e-ehersisyo. Ayon pa sa Lancet Journal , sa buong mundo, isa sa sampung tao ang namamatay dahil sa katamaran o pagkakaroon ng...

Health Condition- Malalaman Sa Mukha

Madalas gamitin natin ang ating mukha para ipaabot sa isang tao ang nais nating iparating. Halimbawa, kung tayo ay irritable sa kanya ay itataas natin ang ating kanan o kaliwang kilay. Gayundin naman kung tayo ay masaya sa isang tao ay ipapakita natin sa kanyang ang matamis nating ngiti. Ito ay kung tawagin ay pagpapadala ng non-verbal signs. Pero alam ninyo bang hindi lang iyan ang gamit ng ating mukha, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaari mo ring malaman ang kondisyon ng iyong kalusugan. Sa katotohan nga ang mga expert sa Traditional Chinese Medicine ay gumagamit na ng kung tawagin ay facial analysis para malaman ang kondisyon ng organ ng isang tao pati na rin ang emotional level ng mga ito.  Bagamat ayon sa Fox News ,wala mang lubos na paliwanag ang siyensya tungkol rito ay maka-gagabay naman ito sa isang tao upang maalagaan niya ang kanyang kalusugan at magkaroon ng healthy lifestyle. Heto ang ilang mga katotohanan tungkol sa iyong mukha at ang kondisyon n...

Lunas Sa Acne Ang Damong Dagat (Seeweed)

Ikaw ba ay nakakain na ng damong dagat (seeweed) ? Base sa mga pag-aaral, maraming dulot na magandang benepisyo sa kalusugan ng tao ang pagkain ng damong dagat. May pag-aaral pa ngang isinagawa na ang pagkain ng tinapay na may palamang seeweed jelly ay nakababawas sa iyong timbang kumpara sa pagpunta ng gym. Sapagkat mas mabilis mong masusunog ang iyong taba sa pagkain lamang ng damong dagat kumpara rito. Hindi lang iyan ang benepisyong hatid ng damong dagat dahil ito rin ay lunas sa acne . Base sa mga nagsaliksik hingil rito, kung ikaw ay may problemang dinaranas sa iyong mukha tulad ng acne, mabisa ang seeweed para rito. Napag-alaman sa pag-aaral na itong damong-dagat na ito ay nakasusugpo sa acne problem ng isang tao. Marami sa atin ang dumaranas ng problema sa acne. Sanhi pa nga ito ng pangugutya ng ilan tulad ng birong “mukhang tinubuan ng taghiyawat”- kaya naman para sa taong may acne, gagawin niya ang lahat at susubukang magpahid at uminom ng kung anu-ano para mawa...

Mga Pagkaing Akala’y PangDiet Hindi Pala

Tiyak na pihikan ka na sa uri ng iyong kinakain kapag ikaw ay nagpapapayat o nagda-diet. Pero teka, baka naman iyong akala mong diet foods ay pwede pa lang nakatataba rin. Heto ang ilan sa mga ito: Juices have calories. Maraming nasasarapan sa pagkonsumo sa paboritong fruit juice na kadalasang bahagi ng pagdi-dyeta, ngunit nakalilimutan ng ilan na ito ay mataas sa calories sa likidong fomula kung saan ang dami ng inuming nakonsumo sa buong araw ay maaaring makadagdag sa timbang ng katawan. Kaya’t mas mainam na pumili ng prutas na mas mataas ang bilang ng fiber tulad ng pinya kesa sa sugar tulad ng hinog na mangga. Cereal bars have high level of fats. Marami sa atin itinuturing na ang pagkaing ito ay perfect example ng isang healthy meal tulad ng sa pag-aalmusal o meryenda.  Gayunman, karaniwan sa cereal bars ay punumpuno ng cane sugar at corn syrup, maging ng mataas na level ng fat. Mainam man sa kalusugan ang cereal, dapat pa ring alalahanin ang taglay nitong fat...

Ang Panganib Na Dulot Ng Diet Soda

Ikaw ba ay mahilig sa pag-inom ng diet soda sa pag-aakalang makatutulong ito sa iyong pagda-diet? Alam ninyo bang walang nutrisyon na makukuha mula rito. Ang mga manufacturer ng diet soda ay naglabas ng mga label na “low sugar” o “zero sugar” sa kanilang mga soda para daw sa kalusugan at mag-enganyo sa tao na magpatuloy na uminom ng diet soda. Pero ayon sa report ng Fit Sugar , kahit pa ang lakip ng mga ito ay sugar-free ay nagdudulot pa rin ito ng panganib sa ating kalusugan. May masamang epekto pa rin ito sa katawan ng tao. Base sa pagsasaliksik, ang pagkonsumo ng diet soda ay nagpapataas ng tsansa na magkaroon ang isang tao ng heart attack at stroke ng 44 poryento. Ang laman na artificial sweetener ng mga diet soda bagamat wala itong calories ay dahilan pa rin kung bakit gutom ka pa rin at ito ay mag-reresulta lamang sa labis na pagkain at syempre ito ang magiging dahilan ng labis mong pagtaba. Bagamat sinasabing ang artificial sweetener ay hindi mapanganib kapag ...

Cheese - Para ‘Di Magka-Diabetes

Para sa mga babaeng nais pumayat, isa ang keso (cheese) sa mga pagkaing iniiwasan. Nakasisira kasi ito sa kanilang pagdi-diyeta. Mayroon kasi itong fats na taglay na hindi akma sa mga nagbabawas ng timbang. Ngunit base sa pag-aaral na nailathala ng American Journal of Clinical Nutrition . Ang keso ay nakatutulong upang makaiwas tayo sa banta ng Diabetes . Isa itong magandang balita kung tutuusin dahil alam naman nating ang diabetes ay nagreresulta sa mga mapanganib na komplikasyon. Ang diabetes ay isa na nga sa pinaka-malubhang sakit na kinahaharap ngayon ng buong mundo. Mayroong tinatayang 550 million kaso sa 2,030 na pasyente. Ayon sa Telegraph , ang proseso ng fermentation na nagaganap sa keso ay nagdudulot ng reaksyon na kung saan ang katawan ay makaka-iwas sa diabetes pati na rin sa atake sa puso. Bagamat ang keso ay mayroong saturated fats, di maikakailang taglay rin nito ang iba pang fats na may magandang benepisyo sa kalusugan. Sa mga hanay nga ng dairy...

Tips Sa Paggawa Ng Aroma Candle

Ang aroma candle ay mayroong dulot na magandang benepisyo sa iyong katawan kapag naamoy mo ang halimuyak nito. Dulot nito ay positive aura at good mood sa isang taong maka-aamoy ng bango ng aroma nito . Isa sa mga sikat na herbal aroma ay ang lavender.  Ngayon ay tuturuan naming kayo katoto na gumawa ng therapeutic aroman candle para naman magkaroon kayo ng sideline. Opo, ang paggawa nito ay makapagbibigay sa iyo ng extrang kita. Para ito sa mga nanay at estudyante na nais magkaroon ng part time na pagkakakitaan. Heto ang tips sa paggawa ng Aroma Candle . Sa mga materyales ay kinakailangan natin ng mga sumusunod: 500 g paraffin wax sa pellets 600 g ng gel wax 10 g wax dye 5 pulgada ng nylon wick Lavender essential oil ang gagamitin natin para sa aroma Sa mga kagamitan , ito naman ang ating mga kakailanganin: Timbangan Takure Kalan Wooden stick tulad ng chop stick Wick sustainer Maliit na palangana Anim na plastic cup Gunting 4 na p...

Tips Para Sa Malakas Humilik (Snoring Problem)

Sagabal ka ba sa pagtulog ng iyong asawa dahil sa lakas ng iyong paghilik? Naku, maaaring ito ay isa sa mga napag-awayan ninyo na nung mga nakalipas na araw lalo’t bagong kasal kayong dalawa kaya’t hangga’t maaga ay bigyang remedyo mo na ang iyong paghihilik o snoring problem . Pero teka, ano nga ba’t naghihilik ang isang tao at mayroon bang mga natural na paraan para lunasan ito. Heto ang tungkol sa snoring at tips para sa mga taong malakas humilik: Totoo nga namang maaari kang maka-abala ng iyong maybahay at iba pang kasamahan mo sa bahay sa iyong paghihilik. Sa maniwala ka’t o hindi may iilang mag-asawa ang naghiwalay na dahil rito. Napatunayan na ang mas nakahihigit na naghihilik ay ang mga lalake kaysa sa mga babae. Maaaring ito ay may kaugnayan sa hormonang panlalaki o testosterone. Hindi po totoo na porke’t mataba ay naghihilik na dahil kahit katamtaman lang ang iyong body weight ay pwede ka pa ring maghilik. There are rumors and hearsays that if you snore it might b...