Para sa mga babaeng nais pumayat, isa ang keso (cheese) sa mga pagkaing iniiwasan. Nakasisira kasi ito sa kanilang pagdi-diyeta. Mayroon kasi itong fats na taglay na hindi akma sa mga nagbabawas ng timbang.
Ngunit base sa pag-aaral na nailathala ng American Journal
of Clinical Nutrition. Ang keso ay nakatutulong upang makaiwas tayo sa
banta ng Diabetes. Isa itong magandang balita kung tutuusin dahil alam naman
nating ang diabetes ay nagreresulta sa mga mapanganib na komplikasyon.
Ang diabetes ay isa na nga sa pinaka-malubhang sakit na
kinahaharap ngayon ng buong mundo. Mayroong tinatayang 550 million kaso sa
2,030 na pasyente.
Ayon sa Telegraph, ang proseso ng fermentation na nagaganap
sa keso ay nagdudulot ng reaksyon na kung saan ang katawan ay makaka-iwas sa
diabetes pati na rin sa atake sa puso.
Bagamat ang keso ay mayroong saturated fats, di maikakailang
taglay rin nito ang iba pang fats na may magandang benepisyo sa kalusugan. Sa
mga hanay nga ng dairy products, ang nagtataglay lamang ng good fats na ito ay
ang keso at yogurt lamang.
Nakatutuwang malaman ang balitang ito lalo na’t sa mga taong
mahilig na kumain ng keso. Pero hinay hinay lamang, sapagkat ang labis na
pagkonsumo nito ay hindi rin makaiigi sa iyong kalusugan lalo na sa mga nagbabawas ng timbang. Syempre pa mas mainam
pa rin ang kumain ng masusustasyang prutas at sariwang mga gulay. Rekomendado
pa rin ang balanced diet na mababa sa fats at asin. Iyan ay ayon sa head ng
research na si Iain Frame.
Ikaw? Mahilig ka ba sa keso?
Source: medicmagic dot net
Comments
Post a Comment