Our body appearance changes as we get older. Resulta din naman ito ng ating mga kinakain o iniinum. Kaya naman, anuman ang rason natin ay gumagawa tayo ng paraan para gumanda ang ating katawan lalo na sa mga kababaihan- nais nilang sumeksi at manatili ito sa mahabang panahon. Sa bagay, maigi sa mga kababaihan ang mag-diet o exersice para mapanatili ang pigura dahil makakaiwas sila sa banta ng cancer.
Based on the study of U.S researcher, it was reiterated that
diet and exercise can help prevent cancer especially for women. Ang
pagpapapayat o pagdidiyeta ay magandang paraan para makaiwas ang isang babae sabanta ng breast cancer.
Ito ay gawa ng ang mga babaeng mahilig mag-exercise at
mag-diet ay nagpapababa rin sa estrogen level dahil ang mataas na level ng
estrogen ay siyang malaking dahilan ng mabilis na paglaki o pagdami ng tumor sa
katawan.
Ang pagkakaroon natin ng weight control ay isang malaking benepisyo sa
pagbabalanse sa estrogen-lowering process o tamang level lamang nito sa katawan
ng babae.
Naging bahagi ng research ang pag-a-analyzed sa mga data ng
mahigit 439 malusog at overweight na mga babae kung saan isinailalim sa strict
at seryosong exercise.
Tinatayang itong exercise at diet na nakikitang paraan
ng mga eksperto para i-improve o magbago ang kalusugan ng mga babae base sa
kanilang estrogen level.
Matapos itong isagawa o ipatupad ay nagkaroon ng
improvement sa ilang participant na nakitaan ng posibilidad ng cancer at mga
tumor sa kanilang katawan, particular na sa dibdib.
But this fact does not mean that those who suffer from
obesity are more prone to breast cancer. Bagkus, ang malaking bagay dito ay ang
epekto ng pagbaba ng timbang o pagkabawas sa bigat na nagreresulta para bumuti
ang estrogen level at makaiwas sa malubhang sakit tulad ng breast cancer.
Wala
namang dapat ipag-alala na baka lalong manghina o walang panlaban sa cancer
cell kung tayo ay magda-diet at exercise dahil lingid sa ating kaalaman ay
tinatanggap ito ng katawan at sumasalamin sa ating kalusugan. Bukod dito ay
kailangan na maging maselan din dapat sa mga kinakain natin at pati sa type ng
exercise na dapat nating gawin para makaiwas tayo sa malulubhang sakit.
Source: Bulgar credits to: Icee Reen Labareno
Comments
Post a Comment