Ito ang apat na car tips para mapanatiling mabango ang inyong kotse.
Ang alternatibong tips na ipinahayag ng isang car expert ay mahusay na ikonsidera upang tuluyang maitaboy ang mabahong amoy ng kotse.
- Maglagay ng bath salt. Mainam na maglagay ng bath salt sa lagayan ng tsaa at ilagak ito sa compartment para sa kaaya-ayang amoy sa tuwing ito ay bubuksan.
- Amuyin ang lumang kandila. Ang pinaglumaang scented candle na halos hindi na magagamit pa ay mahusay na ilagay sa isang tasa na hindi babasagin sa loob ng sasakyan, para sa nakarerelaks na amoy, saan man magpunta.
- Subukan ang basil. Mainam ang paglalagay ng tuyong dahon ng basil sa isang diyaryo na siyang magtatangal ng masamang amoy sa loob ng sasakyan.
- Magbudbod ng langis. Mainam ang pabudbod ng ilang patak ng katas ng lemon o eucalyptus essential oil sa mats ng kotse para sa natural na amoy na magtatagal ng ilang linggo. source: Bulgar
Comments
Post a Comment