Hair and Nails Tips- Ano ang dahilan at lunas sa marupok na buhok (thin hair) at mabilis na pagkamatay ng mga kuko (brittle nails).
Tips on How to Take Care of Your Thin Hair and Brittle Nails |
Narito po ang ilang mahalagang tips kung ano-anu ang mga bitamina para sa ating mga kuko at buhok lalo na kung ito ay hindi natin nakukuha sa mga pagkaing kinakain natin sa araw-araw.
Vitamin A
For the Hair. Ito ay anti-oxidant at nag-i-stimulate ng produksiyon ng langis sa ating anit na maganda para roon sa may mga dry hair.
For the Nails. Nababawasan ang pagiging marupok ng mga kuko.
Makikita sa itlog, melon, spinach, carrots, kamote, fortified milk at cereal.
B-Complex Vitamins
For the Hair. Pinipigilan nito ang pagkalagas ng buhok at nag-stimulate ng produksiyon ng melanin para mapanatili ang kulay ng ating buhok.
For the Nails. Minamantina nito ang kapal, moisture, pinipigilan ang pagbibiyak ng kuko at discoloration.
Makikita sa pula ng itlog, gulay, whole grain cereals, manok, isda at gatas.
Vitamin C
For the Hair. Nakatutulong para maiwasan ang split ends.
For the Nails. Nakatutulong sa pagtubo ng kuko at sa kulay nito.
Makikita sa citrus fruits,kamatis,patatas,strawberries at mga berdeng gulay.
Vitamin D
For the Hair. Pinananatiling elastic at maiwasan ang pagnipis nito.
For the Nails. Pinatitibay ang kuko.
Makikita sa isda, fish oils, some mushrooms, fortified milk, juices at cereals.
Vitamin E
For the Hair. Nakatutulong sa scalp circulation.
For the Nails. Minamantina ang natural na tibay at moisture ng kuko.
Makikita sa nuts,leafy greens, dried beans, vegetable oils.
Kung kumpleto naman po ang ating diet sa mga nabanggit na pinangagalingan ng nasabing bitamina, hindi na po natin kailangan ng mga vitamin supplement dahil may mga vitamin supplement po na kapag nasobrahan tayo sa pag-inom ay mas lalong nagdudulot ng problema tulad ng permanent organ damage sa mga high risk na tao tulad sa may mga edad na, may mga medical problem at sa nagdadalantao o plano pa lang magdalantao. Kaya mahalagang ikonsulta muna sa inyong doktor bago uminom ng anumang bitamina lalo na sa mga nabanggit sa itaas na high risk na tao at kung 'di naman kasali sa high risk group, maaari tayong uminom ng anumang bitamina basta nasa tama at rekomendadong dosage.
full article source: Bulgar/Sabi ni Doc isinulat ni Shane M. Ludovice M.D
Comments
Post a Comment