Ang sari-sari store ay isang maliit na retail outlet na makikita sa inyong mga kapitbahay, maging sa bawat sulok ng eskinita sa Pilipinas. Ang mga tindang de lata, chichiria, candies, sigarilyo atbp. ay naka-display at protektado ng mga yari sa metal na bintana o malalaking screen cover. Isang maliit na butas ang mayroon upang doon mag-aabot ng bayad o ikaw ng sukli para sa nabiling tinda. Isa ito sa negoyong patok pa rin hanggang ngayon at tradisyon na rin sa Pilipinas.
Tips On How To Start A Successful Sari-Sari Store |
COMPETITION
Kung maraming ka-kompetensiya ay mag-isip ng gimik kung paanong dadami ang iyong suki. Laging isipin na dapat mayroon kang tinda na wala sa iba. Halimbawa kung ang kumare mong si Aling Nita ay walang tindang school supplies ay ito ang pwede mong idagdag naman sa iyong sari-sari store.
SECURE PERMITS
Kahit pa ang sari-sari store ay isang micro-enterprise ay kinakailangan pa rin nito ang business permit. Kailangan ring makipag-usap sa iyong utility provider dahil iba ang singil sa residential at business. Hindi kinokonsindera ang sari-sari store na residential.
FINDING THE BEST SUPPLIER
Napakaraming wholesaler, lahat nais kang maging suki. Kung ikaw ay suki na ng isang wholesaler ay huwag pa ring huminto sa paghahanap ng ibang supplier para makamura ka.
RECORD YOUR TRANSACTION
I-record ang iyong mga transaksyon. Ang ibang may-ari ng tindahan ay nirerecord ang mga nabili at total ng kinita sa isang araw para makalkula ang kanilang kinita. Kung magaling ka sa accounting ay puwede mo ring i-record ang mga transaksyon sa isang ledger.
CASH PAYMENT
Iwasan ang pagpapautang at kundi maiiwasan ay limitahan ito. Maiiwasan ang pagkalugi kapag walang pautang at puro cash basis lang ang pagbayad sa iyo ng iyong mga suki.
Ito nga pala ang requirements para sa sari-sari store: Business name registration, mayor's business permit at B.I.R Tin
source: businessdiary dot com
Comments
Post a Comment