Hindi mo ba talaga mapigilan ang kumain kahit ikaw ay on diet? Tipong kahit hindi mo naman cheat day ay nakakakain ka pa rin ng labis sa isang araw. Don't you know that it can help if you eat in small bites instead- kaysa gutumin mo ang iyong sarili pagkatapos nama'y kakain ka rin naman sa fast food chain ng big time. Alam ninyo bang ang pagpira-piraso ng pagkain ay epektib na diet?
Eating in Small Bites -Effective for Diet |
May mga tao na sa kagustuhang pumayat ay talagang titikisin ang sariling kumain. Kahit pa gustong-gusto niya iyon ay di niya papansinin dahil mas importante sa kanyan ang pigura. Gayunman mayroon tayong good news sa inyo mga katoto!Pagkat hindi mo na kailangang talikuran ang iyong mga paboritong pagkain para lang pumayat ka.
Based on our research, ay maaari ka pa ring kumain ng mga paborito mo na hindi nanganganib na tumaba ka ng husto. Ang kailangan mo lang gawin ay pag-pira-pirasuhin ang iyong kinakain.
According to the experts, because of the so called "optical illusion", kakaunti lang ang makakain mo kapag pinagpi-pira-piraso mo ang iyong kinakain gaya ng tsokolate, pizza o cake kaysa kainin ito ng buo. Kapag buo mo itong kinain, ang iisipin mo ay kaunting calories lang ang makukuha ng iyong katawan, samantalang, kung pira-piraso mo itong kakainin, ang agad papasok sa'yong isipan ay napaparami ang iyong kinakain kaya kailangan mo nang tumigil. Dahil doon, kaunti lang ang iyong makakain.
Sabi nga ni Devina Wahera, ang head ng research study tungkol dito na based sa Arizona State University, " Ang paghihiwa ng maliliit na portion ng pagkain ay talagang makatutulong sa mga taong nagdidiyeta"
Ikaw ba ay on diet sa ngayon? Bakit hindi mo subukan ang tips na ito? Simulan mo nang pagpira-pirasuhin ang iyong pagkain, mabusog nang hindi nasisira ang iyong pagdidiyeta.
source: Bulgar credits to: Ria Gonzales
Comments
Post a Comment