Mayroong isang katotong nakaranas ng pagkakaroon ng pangangati sa kanyang balat na parang rashes sa bandang singit niya. Hugis pabilog ito na mamula –mula? Ano kaya ito?
Ayon kay Doc Shane Ludovice M.D, Tinea ang tawag sa ganitong
klase ng impeksyon sa balat at karaniwang tinatamaan nito ay ang puson o dakong
ilalim at singit dahil ang lugar na ito ay mainit-init at nagiging mamasa-masa
lalo na kapag pinapawisan.
Ang tipikal na hitsura ng buni ay ganito: Nagsisimula ito
bilang butlig na mapula, Makati at kapag pumutok, ang rashes ay unti-unting
kumakalat na pabilog ang korte at mapapansin na ang pinakagitna nito ay parang
nagiging flat at clear subalit, ang mga gilid ay mapupula at nakaumbok.
Mapapansin din na kapag ito ay natuyo,nagkakaroon ng puting kaliskis o parang
balakubak ang hitsura. Hangga’t hindi ito nagagamot ay patuloy ang pagdami
nito.
Kung ito ay tinea infection o ringworm, mainam ang pag-inom
ng antifungal tablet (Ketoconazole o Terbinafine sa loob ng isang buwan dahil sa
hirap mapuksa ang mga fungus, matagalang gamutan ang kailangan nito.
Source: Bulgar credits to: Sabi ni Doc
Comments
Post a Comment