Alam ninyo bang may malaking epekto rin ang pagtulog ng baby sa tabi ng kanilang mommy and daddy? Ang power hug kapag natutulog si bunso ay maaaring makatulong para hindi siya maging obese paglaki.
Sleeping With Your Baby At Night Can Prevent Him From Obesity |
In the recent study in Denmark, napag-alaman na ang mga batang mas madalas matulog sa tabi ng kanilang magulang ay nakakababa ng tsansang maging obese o sobrang taba. Lumalabas na ang mga batang hindi naiisipang tumabi sa gabi kina mommy at daddy ay 3 beses na overweight kumpara sa mga laging nasa kama nila gabi-gabi.
If we think of it, that findings is a contrary that having a lack of sleep can cause obesity. Isang matatawag na poor sleep quality ang pagbangon sa gabi para lang makisiksik sa kama ng kanilang mga magulang at damhin ang kanilang power hug.
Ayon sa mga eksperto, ang mga magulang na hinahayaang tumabi sa kanila ang kanilang mga anak ay nagbibigay sa kanila ng greater sense of emotional support na maaaring magpatibay sa kanila kontra obesity. Kumpara naman sa mga hindi pinapayagang bata na ay nagkakaroon sila ng rejection at negative feeling na humahantong sa pagtaas ng panganib na maging obese.
Matapos unawaan ni Dr. Nanna Olsen ng Institute of Preventive Medicine at Copenhagen University Hospital at mga kasamahan nito ang nakuhang impormasyon mula sa 645 bata mula edad 2 hanggang 6 na siyang mas lantad sa obesity dahil sila ay may tinatawag na high birth weight. Ibig sabihin, ang kanilang nanay na overweight bago pa man sila ipanganak o kaya ang kanilang pamilya ay may mababang kita.
Sa halos 500 batang sinuri, pinagbasehan nila ang impormasyon kung sino ang madalas na tumabi sa mga magulang tuwing gabi at kung gaano kadalas, dagdag pa rito ang mga kasabay na sinuri rin ng mga researcher ang timbang at laki ng mga baby.
source: Bulgar credits to: Cathy Posada
Comments
Post a Comment