Ang almusal (breakfast) ay labis na mainam sa katawan ng isang tao, mula sa magdamag na pahinga nito sa nagdaang gabi kung saan ang pagkonsumo ng tamang pagkain ay may malaking kinalaman sa buong maghapon ng isang tao na manatiling malakas at puno ng enerhiya.
Protein Rich Breakfast For Weight Loss |
Ang pagkonsumo ng tinatawag na protein-rich breakfast ay sadyang mahusay sa katawan, habang lumabas din sa pag-aaral na ang pagkonsumo ng mataas sa protein ay mahusay para sa pagbabawas ng timbang.
Ilan sa mga pagkaing puno ng protein ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Waffles na may kasamang peaches. Mainam na haluan sa ibabaw na bahagi ng waffle ng hiwa ng peach na kung hindi naman nito panahon ay puwedeng ipalit ang pinya at maging ng ricotta cheese kung saan nagbibigay ito ng maraming protina at calcium.
- Bacon,lettuce and tomato. Ang nabanggit ay isang halimbawa ng classic sandwich na punumpuno ng protina na tiyak hindi na mauubusan ng enerhiya sa maghapon.
- Yogurt at prutas. Ang yogurt ay dalawang beses na nagbibigay ng protina na perpektong pundasyon para sa agahang pagkain. Mainam ang pagkonsumo ng anim na onsa ng yogurt na may kasamang toasted nuts o walnuts, almonds at iba pang uri ng mani maging ng hiwa ng saging, orange at iba pang prutas.
- Berries. Ang kombinasyon ng soy milk, ang anim na onsa ng non-fat vanilla yogurt, kalahating tasa ng sariwa o frozen berries at ilang ice cubes sa isang blender ay nagdudulot ng higit sa sapat na protina.
- Cinnamon at mansanas. Ang kombinasyon ng cinnamon sa ilang hiwa ng katamtamang laki ng mansanas at maging na rin ng tinatawag na low-fat cottage cheese ay mahusay para sa dagdag na protina at pagaanin ang tinatawag na artery-clogging fat, habang ang pagbudbod ng cinnamon ay makatutulong para madagdagan ang lasa. source: bulgar no problem ni Ms. Myra
dapat costless
ReplyDelete