Ito ay isang liham mula kay LJ para kay Doc Shane M. Ludovice. Ito ay hinggil sa kanyang kalusugan na may kinalaman sa kakulangan sa level ng Potassium ng kanyang katawan:
Nagsimula po ang sakit ko ng pamamanhid at sumasakit nang kaunti ang aking ulo, nahihilo ako at bumababa ang sakit patungo sa batok at sa buong katawan. Hindi ko maikilos ang aking katawan at parang nawawala ang aking lakas. Noong magpa-check-up ako sa doktor, sabi lang po niya ay kulang daw ako sa potassium at ok naman ang aking dugo at binigyan niya ako ng tableta na oral potassium at magkakain daw ako ng pagkaing sagana sa pottasium tulad ng saging at patatas. Ano po ba ang ibang pagkain na maaari kong kainin na sagana sa pottasium?
Foods Rich in Potassium |
Para makatiyak sa level ng potassium sa katawan, ipa-examine sa laboratoryo ang dugo. At kapag nakitang mild lamang ang pagbaba ng pottasium, binibigyan ang pasyente ng oral potassium tablet. Mayroon din namang iniinom na liquid nitong potassium chloride, problema nga lang ay 'di masarap ang lasa nito kaya kinakailangan pang ihalo sa fruit juice bago mainom. At kapag masyadong mababa ang potassium level sa katawan ng pasyente, kinakailangang ibigay ang potassium sa pamamagitan ng suwero.
Narito ang ilang pagkaing mataas sa potassium: Saging, papaya, orange, melon, pears, avocado, prunes, garbanzos beans, soya beans at iba pang beans, carrots, patatas, kamatis, kalabasa at kulitis.
Sa susunod na makaramdam kang muli ng tulad ng iyong nararamdaman matapos kang makainom ng potassium tablet, mahalagang magpasuri kang muli sa iyong doktor (internist)
source: Bulgar-Sabi ni Doc ni Shane M. Ludovice M.D
Comments
Post a Comment