Ang oral contraceptive pills ay isa sa pinaka-epektibong pamamaraan ng contraception, safe at madaling gamitin. May dalawang klase ng birth control pills: combination birth control pills na may estrogen at progestin, ikalawa ang mini pill na may progestin lamang. Pinipigilan ng birth control pills na mag-ovulate ang isang babae at para 'di rin ito maglabas ng egg cell at di nito makatagpo ang sperm cell ng lalaki.
Subalit, hindi lahat ng babae ay maaaring uminom ng birth control pills kaya ipinapayo na makipag-usap muna sa isang health care provider tungkol dito para kayo ay mapaliwanagan ng pros and cons ng pag-inom nito.
Tips On Using Effective Contraceptives |
- 35 year old pataas at nagsisigarilyo
- nagbi-breastfeeding
- may history ng breast cancer, stroke o sakit sa puso
- may mataas na presyon at di kontrolado
- may diabetes at may komplikasyon tulad ng nepropathy, retinopathy o neuropathy
- sakit sa atay
- di mapaliwanag na uterine bleeding
- umiinom ng anticonvulsant drugs at gamot para sa TB
Ang mini pill birth control pill ay 'di rin pwedeng inumin ng may breast cancer, unexplained uterine bleeding at umiinom ng anticonvulsant drugs at gamot para sa TB.
May mga ilan din na umiinom ng birth control pills na nadaragdagan ang kanilang timbang kaya itinitigil nila ito.Kaya ang maipapayo natin bago pa man uminom ng anumang klase ng birth control pills na over the counter nating nabibili sa mga botika, isangguni muna ito sa pinakamalapit na health center sa inyo para mabigyan ka ng tamang oral contraceptive pills na puwede sa iyo.
source: Bulgar isinulat ni Shane M. Ludovice M.D
Comments
Post a Comment