Fan ka ba ng pag-inom ng softdrinks? Tipong sa isang araw ay hindi pwedeng lilipas ang lunch time o dinner time na walang softdrinks na ready mong inumin kapag ikaw ay nabulunan. O di kaya nama’y kapag may simpleng lakad ang barkada sa mainit na panahon ay nagpapalibre sa kanila ng malamig na soda? Warning to you! Don’t you know that your health is at risk? Ang labis na pag-inom ng softdrinks ay nagdudulot ng mga malulubhang sakit ayon sa mga eksperto.
In recent studies, scientists have announced that excessively
consuming of soda can harm your health specifically to your weight management. Anumang inumin
na maraming asukal tulad ng soda, gulaman, fruit juice at kung anu-ano pa ay
nakapagdaragdag ng timbang at nagbabanta ng pangmatagalang problema sa kalusugan
kung ito ay iinumin araw araw sa isang buwan. It changes the body metabolism.
Kaya ang nangyayari, imbes na masunog ang fats, sinusunog ng muscles ang sugar
na gagamitin sana bilang fuel ng ating katawan. Pang-matagalan ang epektong ito
kaya ang mga taba ay mahirap bawasin at nagiging sanhi ng pagtaas ng sugar
level sa ating mga dugo. Kapag ito ay nagpatuloy, possible kang magkaroon ng
type 2 diabetes.
Not only the daily wrong consumption of sugar that can change our body metabolism.Sa
katunayan, ang ating mga muscle ay may kakayahang maka-sense ng sugar at mas
lalong pabagalin ang ating metabolism hindi lang sa kasalukuyan bagkus pati
na rin sa hinaharap. Ito ang nagiging sanhi kung bakit hirap kang magbawas ng
taba at lalo pang nadaragdagan ito.
Kaya naman kung nais mo ng panulak matapos mabusog sa isang
masarap na tanghalian o hapunan ay tubig na lamang ang inumin mo. Maigi pa ito
sa katawan at tulod nito ay magandang epekto sa iyong kalusugan.
Sa isinagawa nilang eksperimento, ang mga kinakitaan ng
biglaang pagbabago sa kanilang metabolism ay ‘yung mga taong hindi masyadong
nagkikilos at walang iniinom kundi softdrinks sa loob ng apat na lingo o isang
buwan.
Source: Bulgar credits to: Kenneth Joy Carino
Comments
Post a Comment