The Sin Tax Bill is still pending for approval in the congress, ito raw ang pag-asa para mabawasan ang mga chain smoker sa Pinas. Dahil nga naman madaragdagan ng malaking tax ang bawat pakete ng sigarilyo ay tiyak na mababawasan na ang pag-smoke mo para makatipid ka.
Female Than Male Smokers- Less Chances To Quit Smoking |
Mapababae man o lalake ay mayroong smoking habit. Eventhough they are aware about the risk of getting hook to smoking- na may masamang epekto ito sa kalusugan.
Research findings showed that female smokers have less chances to quit smoking rather than male smokers. Mas hirap kasi silang tumigil sa kanilang smoking habit. Ayon sa pag-aaral, nakitang may kaugnayan ito sa pagkakaiba ng pag-response ng brain ng babae kesa sa lalaki.
Kapag ang isang tao ay nagsisigarilyo, may bilang na ng mga nicotine receptors ang nagdidikit-dikit na siyang sanhi para maging bisyo ang isang gawain.
Eventhough male smokers has the most numbers of nicotine receptors rather than those who are not smoking, iba naman sa mga babae, dahil smoker o non-smoker man sila, ay pantay lamang ang kanilang nicotine receptors.
Ayon sa mga eksperto, kung titignan natin ang kasarian ay malaki talaga ang pagkakaiba nila. Ang importanteng pinagbasehan ng mga nag-a-undergo ng treatment ay ang therapy na pagkain ng bubble gum.
Lumalabas na ang female smokers ay mas nakare-recover sa mga treatment na walang involve na nicotine. For example: behavorial therapies such as exercise and relaxation techniques. Basta iyung walang gamot na kinakailangan. Huwag lang ang mga elementong konektado sa paninigarilyo tulad ng amoy at paghawak ng sigarilyo dahil may tendency na magpanumbalik nito sa mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan.
Isang grupo ng mga eksperto ang in-scan ang utak ng 52 males at 58 females kung saan nakitang kalahati sa kanila ang smokers.Sinuri din ang nicotine receptors ng brain ng mga ito sa pamamagitan ng radioactive marker na nag-uugnay sa grupo ng mga receptor na responsable sa body's physical dependence sa nicotine.
They were asked to smoke for a week to check the reaction of the receptor.
Isa pang rason kung bakit hirap tumigil sa smoking habit ang mga babae ay base na rin sa level ng progesterone hormone. Sa mga kababaihan, biglang bumababa ito sa panahon ng menstrual cycle at tumataas naman pagkatapos ng ovulation. Nakitang ang mas mataas na level ng progesterone ay may koneksyon sa mababang bilang ng nicotine receptors.
It is our own choice, if we want to die young or to live a long life. Mapababae ka man o lalake, kung pursigido ka talagang i-quit ang iyong smoking habit- makakaya mo ito.
source: Bulgar credits to: Cathy Posadas
Comments
Post a Comment