Mula sa isinagawang research ng mga dietitian ay napatunayan na ang mga babaeng mayroong food diary at recipe book ay higit na mas madaling mag lose weight o pumayat. Kadalasan daw ang ganitong mga kainan na may sariling food journal, hindi rin niya magawang magpalipas o mag-skip ng pagkain o meal. Sinasabing mas conscious at maingat sila hindi lang sa pagluluto kundi maging slim muli kaysa sa mga mahilig mag-diet.
Own Recipe or Food Journal- Effective For Weight Loss |
Na-track na mas mainam at healthy ang dieting habit ng ganitong mga babae dahil alam nila na hindi mo kailangang kumain dahil may mga pagkain naman na puwedeng lutuin na hindi nakatataba o wala naman dagdag na epekto para tayo ay tumaba. Sa tuwing sila ay kakain ay nagtatabi sila ng food journal ng sa gayon ay ma-monitor nila kung nakailan kain o ilang beses na nilang nakonsumo ang bawat pagkain. Tinatayang ang mga babaeng may mabuti o mahigpit na pagsunod sa healthy weight loss program ay may average lost ng 19 pounds o 11% kada-buwan.
Ang pinakamadali at mainam na paraan para i-trace kung ano ang iyong mga kinakain ay sa pamamagitan ng pagsusulat o paggawa ng note bilang personal record, gayundin na alam mo ang sangkap at paraan ng pagluto sa mga ito mula sa iyong recipe book. Kung tutuusin, madaling mag-pretend na iniiwasan o hindi natin nakakain ang mga nakatataba o nakasasama sa atin ngunit sa pamamagitan ng food diary ay tiyak na magkakaroon ka ng disiplina. source: Bulgar isinulat ni: Icee Reen Labareno
Gamitin ang share button sa ibaba.
Comments
Post a Comment