Back Pain |
Kung nakararanas ka na ng pananakit sa iyong likod ay puwede
ka ng magsagawa ng stretching exercises. Ang mga exercise na ito ay puwedeng
makapag-alis ng pressure sa iyong buto at makapagpa-relax sa iyong muscle.
Ito ang ilan sa mga habit natin katoto kaya sumasakit ang ating likod o nakararanas ng back pain- ito ay ayon sa report ng Fox News.
Ang labis na pag-upo ay nakapagdadala ng 40 porsyentong
pressure sa ating gulugod (spine) kumpara sa kung tayo ay naka-upo. Sa pag-upo
kailangan ay naka-upright posture tayo. At tiyakin na may minutong tatayo tayo
para sa kaunting stretching.
Ang pagmamaneho o paghawak sa manubela ng matagalan lalo
na’t kapag malayo ang biyahe ay nagdudulot sa pagsisikip ng ating dibdib pati
sa kalamnan ng ating balikat. Pati na rin pananakit ng ating batok.
Ayon kay Darran W.Marlow, DC- division director ng Texas
Institute of Chiropractic na ang madalas idaing ng pasyente ay ang pananakit ng
kanilang likod. Nagiging pangunahing daing na ito ng kanilang mga pasyente.
Para lunasan ito ay sigurahing kapag tayo ay nakaupo ay kailangang
naka-posisyon tayo ng 90 degrees at may sapat na espasyo para naman sa ating
binti.
Pinatunayan din ng mga tagapagsaliksik na 40 porsyento ng
mga taong walang ehersisyo matapos silang makaranas ng back pain ay magbubunsod
lamang lalo ng malalang kondisyon. Para malunasan ang back pain ay
kinakailangang iunat natin ang ating alak-alakan at balakang.
Paboritong ehersisyo naman ng ilan ang sit-ups dahil sa
praktikal itong gawin kahit sa loob lamang ng iyong bahay at maaari pang
makapagpaliit ng iyong tiyan. Ngunit paalala na ang labis na pagsi-sit ups ay
pwede ring magdulot ng back pain kaya hinay-hinay lang sa ganitong ehersisyo.
Ikaw? Nakararanas ka ba ng pananakit sa iyong likod? Baka
ang ilan sa mga nabanggit ay habit mo na at dapat mo ng iwasan katoto.
Ingat-ingat po tayo.
Source: medicmagicdotnet
Comments
Post a Comment