Skip to main content

Commuters- Tips Sa Biyahe Ngayong Tag-ulan



Ito ang ilang helpful tips para sa commuters ngayong tag-ulan para iwas abala o perwisyo sa biyahe.
Gustuhin o ayawan man natin, babagsak at babagsak ang ulan. Perhuwisyo kung maituturing ng ilan sa atin ang baha sa kalsada pero natural na 'yan at tiyak na sa mahabang usapan lamang ito mauuwi. Kaya imbes na ang ulan ang mag-adjust sa atin na tiyak naman ay imposibleng mangyari -- ang dapat na lang natin gawin ay maging handa sa atin paglalakbay, lalo na ang mga commuter na kailangan pang sumakay ng mga pampublikong sasakyan makarating lamang sa kanilang paroroonan.

  1. Laging magdala ng payong. Tulad ng paulit-ulit nating sinasabi, ang pagkakaroon ng payong sa iyong bag ay mas maigi kaysa sa wala. Hindi na mahalaga kung mumurahin ang payong na iyong gagamitin basta mayroon ka laging dala  ay ayos na.
  2. Kanselahin ang lakad na hindi importante. Mayroong golden rule na dapat pakatandaan ngayong tag-ulan. "Huwag ka ng tumuloy kung wala ka namang rason para lumabas." Kung maaari, ipagpaliban mo na lang ang iyong lakad o gawain kapag masama ang panahon. Hindi naman naimbento ang salitang "rain check" para sa wala.
  3. Siguraduhing naka-charge ang cellphone. Bago ka umalis sa iyong tahanan, tsekin mo muna kung fully-charged ang iyong cellphone. Hindi mo kasi masasabi kung kailan ka maistranded o hindi. Ang isang text sa iyong pamilya, kaibigan o dyowa ay makatutulong upang mapawi ang kanilang pag-aalala kung sakaling hindi ka agad makauwi o kapag may nangyaring masama sa iyo.
  4. Iwasang dumaan o maglaro sa baha. Madali kang makakakuha ng sakit kapag inilubog mo ang iyong paa. Alam natin kung ano ang mayroon ang baha, sari-saring dumi, basura o kahit ihi ng daga ay present dito kaya dapat lang itong iwasan.
  5. Palaging magdala ng plastic bag. Bukod sa payong, ang isa sa dapat mong dalhin ay ang plastic bag. Kahit kasi nakapayong ka, kapag malakas ang ulan, tiyak mababasa ang laman ng iyong bag.
  6. Mag-tune-in sa AM Stations. Dahil commuter ka, pakiusapan mo ang driver ng bus o ng jeep na iyong sinasakyan na itutok ang kanyang radyo sa AM kung napakasama na talaga ng panahon. Updated kasi ang mga ito sa lagay ng panahon, traffic situation, lebel ng baha at mga daan na dapat mong iwasan.
  7. Manatili sa matataas na establisimyento. Tandaan mo, kung mas mataas, mas mabuti.Subukang manatili sa loob ng gusaling iyong pinapasukan  o kaya naman ay sa MRT o LRT station. Sa pamamagitan nito, madali mong makikita ang iyong paligid at kasabay nito, ligtas ka sa baha at panganib sa kalsada.
  8. Iwasan ang maglakad kapag malakas ang hangin. Huwag labanan ang lakas ng hangin o kaya ay huwag kang dumaan sa open area dahil hindi mo alam kung may lilipad na kung anong bagay papunta sa iyo o mabagsakan ka ng puno o billboard.
  9. Magpalit ng damit kapag nabasa ng ulan. Kapag ikaw ay nabasa sa iyong pag-uwi, magpalit ka agad ng damit. Ang pagsusuot ng basang damit sa malamig na panahon ay maaaring maging sanhi ng sakit tulad ng ubo at sipon.
  10. Magbaon ng ekstrang damit at pagkain. Maglagay ng biskwit at t-shirt at short o three fourths sa bag upang kung sakaling ma stranded ka at least mayroon kang kakainin at maiiwasan mo pa ang magkasakit. Mabuti na ang laging handa. Kung may locker ka sa opisina o paaralan, iwanan mo na lamang ito roon. source: Bulgar column ni Nympha Miano Ong

Bookmark and Share




Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...