Job Stress. Ang labis na pagtatrabaho ay nagdudulot ng sobrang pagod at stress. May ilan sa atin na kung tawagin ay workaholic ay nakararanas ng ganito sa araw-araw nilang pagtatrabaho. Babala! Sapagkat ito ay may masamang balik sa inyong kalusugan lalo na sa iyong puso. Ito ay may negatibong epekto sa kalagayan ng ating cardiovascular health. Kailangang alamin mo ang senyales ng stress at maging aware ka dito.
Job Stress Can Cause Serious Heart Problem |
Idagdag pa rito, alam ninyo bang base sa pag-aaral na ang
mga lalaking lugmok sa stress ay mas madaling mamatay kaysa sa mga babae? Sa
mga babae naman, 67 porsyento ng mga kababaihan na pressure sa kanilang trabaho
ay high risk sa heart attack, iyong 38 porsyento naman ay nakararanas ng stroke
o alta-presyon- ito ay ayon sa ulat ng My Health News Daily. Napakalaki ng
panganib na ito kumpara sa mga babaeng walang nararanasang job stress.
Ang stress na tinutukoy natin rito ay iyung stress na hindi
na kinakaya ng katawan o wala ng kapasidad ang katawan para labanan ito- ito ay
ayon sa researcher na si Dr. Michelle Albert-Brigham and Women’s Hospital,
Boston.
Ang resulta ng pag-aaral na ito ay pinalakas pa ng mga nauna
ng pagsasaliksik na may kinalaman ang stress sa trabaho sa mga mahahalagang
implikasyon sa ating kalusugan.
Sa pag-aaral na isinagawa, gumamit ang mga tagapagsaliksik
ng datus mula sa Women Health Study, na may kinalaman sa 22,000 na mga babae na
nakapagtrabaho na ng higit sa 10 taon sa larangang ng kalusugan.
Ang resulta ay nagpakita na kahit ang mga babae ay mas may
control sa pressure ng trabaho ay may panganib pa rin na sila ay magkaroon ng
heart problem. Ito ay taliwas sa ibang pag-aaral na kapag marunong kang
mag-kontrol ng pressure sa trabaho ay mapapababa mo ang antas ng stress na iyong
nararanasan.
Idinagdag pa ng katoto nating si Dr. Albert na iyong mga
taong may matataas na katungkulan sa trabaho tulad ng mga manager at executive
ay mas nakararanas ng matinding pressure sa trabaho at ito ang dahilan para
maapektuhan ang kanilang puso at iba pang body organs.
Ikaw ba ay workaholic at nakararanas ng labis na stress sa
iyong trabaho? Ang kaalaman na ito ay isang paalala sa iyo na higit sa lahat
ang kalusugan ay mas importante kaysa sa kayamanang hatid ng iyong
pagtatrabaho. Alagaan po natin ang ating kalusugan katoto. I-share at i-like
ang kaalamang ito para hindi mo makalimutan ang paalalang ito sa iyo.
Source: medicmagicdotnet
Comments
Post a Comment