Ang Hemiplegia ay tumutukoy sa pagkaparalisa ng kalahating bahagi ng katawan, kanan man o kaliwa at ito ay dahil sa damage sa isang bahagi ng utak na siyang kumokontrol sa ating motor nervous system. Ang pinakakaraniwang sanhi ng hemiplegia ay ang sakit na stroke na mas kilala bilang Cerebrovascular Accident sa terminong medical at ito ay dulot ng bara sa isa sa mga arterya na nagsu-supply ng dugo sa ating utak. Ang kanang bahagi ng utak ay kumokontrol sa kaliwang bahagi ng katawan at ang kaliwang bahagi naman ng utak ay kumokontrol sa kanang bahagi ng katawan.
Tips on How to Cure Hemiplegia |
Sa mga taong na-stroke, malaki ang maitutulong ng mga gamot na klasipikadong anti-clothing tulad ng dipyridamole, heparin at aspirin subalit, ang mga gamot na ito ay wala ng kakayahang alisin pa ang bara ng ugat. Ibinibigay lamang ito sa pasyente para maiwasan ang muling pagbabara ng ugat. Mabisa rin sa mga biktima ng stroke ang Vitamins C at E. Mahalaga rin na maibalik natin kahit paano ang kakayahang kumilos ng biktima ng stroke kaya kailangang makipagtulungan sila sa isang physical therapist para sa ilang ehersisyo.
Para makaiwas sa stroke ang isang tao, maipapayong iwasan o itigil na ang paninigarilyo, pagkain ng matataba o makoleterol na pagkain, mataas na level ng LDL (low density liporotein) o bad cholesterol sa dugo, kawalan ng ehersisyo. At kung may alta-presyon na, mahalaga rin na makontrol ito sa pamamagitan ng regular na pag-inom ng anti-hypertensive drugs at regular na pagbisita sa inyong doktor.
source: Bulgar-Sabi ni Doc ni Shane M. Ludovice M.D
Ibahagi ang kaalam tungkol sa hemiplegia. Gamitin ang share button sa ibaba.
Comments
Post a Comment