We chew bubble gum kapag na-uumay tayo sa ating kinain. Sa pag-nguya nito ay enjoy na enjoy tayo na ninanamnam ang tamis nito at madalas pa nga ay nagagawa pa nating palobohin ito kapag bored tayo. We also chew bubble gums as an alternative to candies lalo na kapag matapos ang paninigarilyo o kung anu-ano pa. Bad trip naman tayo kapag tayo ay naka-apak ng bubble gum o may nahawakan tayong idinikit na bubble gum sa ilalim ng upuan.
Bubble Gum- Brain Booster or No? |
We might not understand if we really enjoy chewing gums o nandidiri tayo. Basta't sabi ng mga eksperto dapat nating iwasan ito. Taliwas kasi sa naunang pahayag na ang pagnguya ng gum ay nakatutulong sa atin lalo na sa mga nag-aaral upang ma-improve ang ating memorya, ayon sa mga syentista ay hindi raw ganun ang nangyayari at bagkus ay nakaaapekto pa ito sa short term memory ng tao. Nakaka-bobo raw ito.
This is impossible! No it is not! Bago ka mag-react, ito ang artikulong may batayan ng ganitong claim.
Based on the recent studies of the experts at Cardiff University in United Kingdom, lumalabas na ang mga taong mahilig ngumuya ng gum ay mas nahihirapang alalahanin o kabisaduhin ang ilang listahan ng mga titik at numero kumpara sa mga hindi gumagawa ng ganito. Naniniwala sila na ang paggalaw na gaya ng pag-nguya ay nahahadlangan ang kakayahan ng ating utak na magkabisa. Ito ay maihahalintulad sa pagtatapik ng mga daliri o paa na talaga namang nakadi-distract at siyang nagiging dahilan para hindi matapos ang isang gawain. Ito rin ay nagpapatunay na hindi talaga tayo magaling mag-multi-task.
This apparently is a contrary to the fact that chewing gum can help boosts our memory. Napatataas daw kasi ng pagnguya ang pag-flow ng dugo papunta sa ating utak.
The experts has a valid explanation to this. Sa pagsasaliksik na ginawa, kung saan ang mga participant na ngumuya ng mint-flavored gum ay nagpakita ng magagandang performance pagdating sa short term word at memory task, lumalabas na wala talaga ito sa pagnguya kundi sa flavor ng gum. Alam naman nating nawawala ang lasa ng bubble gum pagkatapos ng ilang minuto kaya ay mai-kokonsiderang performance enhancer hanggang sa mawala ang mint-flavor nito.
Samakatwid, gum man o hindi ang nginunguya ng tao o kaya naman ay dahan dahan man ito o mabilis, ang aktibidad na ito ay ang siyang nagpapabagal sa ating mga utak na magkabisa. Tandaan na pansamantala lamang na maikokonsiderang brain booster ang mint flavor ng gum.
source: Bulgar credits to: Kenneth Joy Carino
Comments
Post a Comment