Ang HFMD (Hand-Foot-Mouth Disease) ay isang viral disease na karaniwang apektado ang mga sanggol at paslit. Nagsisimula ang sintomas ng HFMD sa lagnat, kawalan ng ganang kumain, namamaga ang lalamunan at matapos ang isa o dalawang araw, nagsisimula nang lumabas ang mga butlig sa loob ng bibig, sa dila at lalamunan.
Tips On How To Prevent the Spread of HFMD for Kids |
Sintomas
Ang mga carrier ng HFMD virus ay may lumalabas na maraming maliliit na butlig, mga malalaking pantal na mapula sa palad, talampakan at paa maging sa puwitan.
Infection
Humahawa ang impeksyon sa ibang bata mula sa laway o paghahawakan ng kanilang kamay.
Heto ang ilang tips o hakbang para hindi kumalat at makahawa ang HMFD:
- Hugasang mabuti ng tubig at sabon ang mga kamay at dalasan ang paghuhugas nito lalo na pagkatapos magbanyo o magpalit ng diaper. Gumamit ng maligamgam na tubig at magsabong mabuti sa loob ng 20 segundo o habang inaawit ang happy birthday ay ganun kahaba dapat ang pagsasabon ng kamay.
- Linising mabuti at i-dis-infect ang anumang kagamitan o lugar na nahawakan ng taong impektado ng naturang sakit. Tiyaking mahugasang mabuti ang mga laruan o malabhan ang mga bagay na nalawayan ng bata.
- At dahil ang HFMD ay mabilis na makahawa sa eskuwela at daycare, panatilihin na lamang sa bahay ang bata hanggang sa siya ay gumaling.
- Palaging i-monitor ang temperatura ng mga bata. Kung may lagnat ang bata ay bigyan agad siya ng gamot sa lagnat para mapababa ang lagnat. Sundin ang direksyon sa botelya ng gamot kung gaano kadalas o karami niya kailangang uminom. Kung may gamot siyang mabilis na humupa ang lagnat ay iyon ang siyang ibigay sa kanya para maging epektibo at mawala agad ang lagnat niya.
- Painumin lagi ng tubig ang bata. Kung ang bata ay namamaga ang bibig, pilitin siyang uminom ng maraming tubig. Huwag siyang bigyan ng softdrinks at juices dahil lalong mangangati ang kanyang lalamunan kaya palagi siyang painumin ng tubig o gatas.Mahalaga ang fluids para mamantina ang lusog ng kanyang katawan para mapaglabanan ang impeksyon.
- Pamumugin ang bata. Inirerekomenda ng mga doktor ang makalumang paghahalo ng asin sa tubig na mumumugin. Mabisa ang asin para patayin ang mikrobyo at maiwasan ang pamamaga ng lalamunan. Magrereseta rin ang doktor ng produktong tinatawag na magic mouth wash. Wala siyang healing properties , pero kahit paano ay maiiwasan ang pamamaga at pananakit ng lalamunan.
- Tiyaking laging malinis ang mga kamay at paa ng bata sa lahat ng oras. Pwede ring pahiran siya ng aloe dahil ito ay natural healing. Kung may aloe plant kayo sa bahay,mabisa yan, pero may mga aloe gel sa health food stores o drugstores.
- Gawing komportable ang bata habang nagpapagaling sa bahay. Oras na lumabas ang sintomas, may 5 hanggang 7 araw niyang kailangang gumaling.
Dahil nakakahawa ang iyong anak ay dapat nasa bahay lang siya at malayo sa ibang bata.
source:Bulgar isinulat ni Nympha Miano Ong
Comments
Post a Comment