Gray Hair- Maraming dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng uban. Sabi nila ay dahil matanda na, ang iba naman ay nagsasabi na puro konsumisyon ang kanilang dinaranas, habang ang ilan ay kulang daw sa bitamina o kaa ay namamana raw ito.
Gray Hair- Sign of Good Health? |
Sabi ng mga eksperto, ang pagkakaroon ng puting buhok ay nagpapakit na ikaw ay may malusog at masiglang pangangatawan. Ito ay base sa pag-aaral sa mga baboy ramo. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay ikinukumpara ka sa kanila.
Nalaman kasi ng mga researcher na ang mga baboy ramo na may pulang buhok ay may mas maraming cell damage kumpara sa ibang wild pigs. Ang pagpo-produce kasi ng red pigment ay umuubos ng anti-oxidant na magdudulot ng pagbaba ng bilang ng free radicals na nakasisira ng mga cell, gayundin sa ating mga tao. Ang mga taong may pulang buhok o may mas maraming red pigments o melanins ay mataas ang posibilidad na puwede silang magkakanser.
Mayroong dalawang uri ng melanins o ang pigment na nagbibigay ng kulay sa ating balat at buhok. Ang eumelanin na nagbibigay ng kulay brown at itim, habang ang pheomelanin naman ay siyang nagpo-produce ng rich chestnut o matingkad na pula. Hindi tulad ng eumelanin, ang pheomelanin ay nangangailangan ng kemikal na glutathione o GSH na isang oxidant para maglabas ng kulay. Masasabing delikado ito dahil ang pagka-damage ng cell ay maaaring makaapekto ng masama sa ating katawan.
Samantala, ang uban o gray hair ay isang tatak ng masigla at malusog na pangangatawan dahil ito ay resulta ng kawalan ng melanin. Ibig sabihin, hindi madalas masira ang kanilang cells. Taliwas ito sa mga naunang ekperimento na nagsasabing ang dahilan ng pagkakaroon nito ay cellular stress. Ang pagkasira ng pigment-producing cells na tinatawag na melanocytes ay siyang sanhi kung bakit namumuti ang ating buhok pagtanda.
source: Bulgar Gulat ka no- ni Kenneth Joy Carino
Comments
Post a Comment