Hindi na lang isang luho ngayon ang cellphone kundi isa na ring pangangailangan ng bawat Pinoy. Kaya naman in-demand din ngayon ang cellphone repair shop. Kaya’t para sa mga gustong magsimula ng patok na negosyo, isa ito sa dapat mong i-konsidera kung ikaw ay may talent o kakayahan sa pagkukumpuni ng isang bagay.
Para makapagsimula ng isang matagumpay na cellphone repair
shop. Ito ang mga kailangang isipin:
Panimulang Gastusin
Ito ang kagandahan sa negosyong ito dahil napakaliit lang ng
dapat mong ipuhunan dahil wala naman masyadong kailangang gastusin bukod na
lamang sa pagkuha ng business permit upang makapag-operate ng legal. Para naman makatipid sa pagrerenta
ng puwesto , puwede mong simulan ang negosyong ito sa bahay. Puwede mong maging
unang customer ang iyong kapitbahay. Saka mo na isipin ang pag-upa ng puwesto
kapag nakikita mo na ang kita. Magkagayon ay puwede mo nang palakihin ang
cellphone repair shop mo kapag kumikita na nga.Maaari ka nang umupa ng puwesto tulad ng sa loob ng
mall o maliit na commercial space para lalong maging accessible ito sa iyong
mga suki. Hindi rin naman ganun kalaki ang magagastos sa tools and equipments dahil may mga segunda mano namang puwede mong mabili sa pagsisimula.
Pag-aanunsyo ng tungkol sa iyong Cellphone Repair Shop
Marami ng paraan ngayon para i-advertise ang iyong negosyo.
Sa pagsisimula, puwede kang mamigay ng leaflets, flyers, brochures o puwede ka
ring gumawa ng business card at ipamahagi sa iyong kaibigan, kapamilya,
kapitbahay o di kaya nama’y mag door-to-door sa iyong baranggay. Maaari ka ring
magdikit ng paskil o magkabit ng tarpaulin sa harap ng iyong bahay.
Maging handa sa mga bagong kaalaman tungkol sa pagre-repair
ng Cellphone
Ang bilis ng pagbabago sa teknolohiya, ang inaakala mong uso
noon ay maaaring hindi na ngayon. Kaya naman dapat lagi kang updated.
Makatutulong ito upang lalo mong mapagbuti ang kakayahan mong kumumpuni ng
cellphone. Isang magandang paraan sa paghahagilap ng bagong impormasyon ay sa
internet o di kaya nama’y maglaan ng pondo sa pagbili ng mga manual o tool kit
para lalo mong mapagbuti ang iyong kakayahang makapag-repair ng cellphone.
Web source: businessdiary dot com dot ph
Comments
Post a Comment