Tulad ng sa paglilinis ng kwarto ay hirap ka ng linisin ito kapag sobra ng dumi tipong kahit anong walis mo at dakot ay pabalik-balik pa din ang dumi at alikabok- ganun din sa katawan ng tao, kapag barado na ang colon ay kinakailangan ng linisin o mas tinatawag na colon cleansing. Maraming salik ang nakagpapadumi sa ating colon kasama na riyan ang hindi magandang lifestyle, environmental toxins at iba pang cellular debris- tiyak na makararanas ka ng epekto tulad ng sakit ng ulo, acne, constipation atbp pang issue na kung tawagin ay autointoxification. Sa paglilinis ng colon ay may isang procedure na pwede mong subukan ,ito ay kung tawagin ay colon hydrotherapy.
Karamihan sa mga doctor rekomendado ang colon hydrotherapy
bilang parte ng detox protocol. Taliwas sa ibang pahayag ng ibang
Western-trained physician, ang colonics ay ligtas at may hatid na benepisyo sa
katawan kapag ito ay isinagawa ng isang tamang therapist- ayon ito kay
Alejandro Juger M.D, sa kanyang librong Clean (HarperOne). Ayon pa sa kanya,
ang detoxification program ay nangyayari kapag ang colonics ay naging
benepisyal, lalo na doon sa mga may history ng constipation. Idagdag pa rito,
ang colon cleansing ay mas ligtas at epektibo kumpara sa pag-inom ng mga
laxative pill.
Magkagayon man, hindi naman ganoon kadali ang paghahanap ng
tamang therapist para maisagawa ang colon hydrotherapy. At tandaan na kapag
naisagawa ito ng hindi tama ay maaari mo itong ikamatay o kung hindi man ay
maaari kang magkaroon ng cramping o renal failure. Kaya’t pinapayuhan ang ilan
na nais sumubok nito na magsagawa ng sariling pag-iimbestiga sa therapist na
iyong tutunguhin.
Ito ang ilang tips para paghandaan pa ang colon
hydrotherapy:
Find the right therapist. Maaari kang makahanap ng isang
therapist na kilala, may magandang reputayon at certified sa pagsasagawa ng
ganitong procedure sa mga kilalang website tungkol sa colon cleansing. Maiging
ang website na tutunguhin ay rekomendado ng iyong physician o
pinagkakatiwalaang kaibigan.
Know the restrictions. Ang colon hydrotherapy ay hindi
maaaring isagawa sa mga nagbubuntis, mga taong dumaranas ng diverticulitis,
ulcerative colitis, Crohn’s disease, severe hemmorhoids, rectal o colon tumor,
sakit sa bato o anumang sakit na may kinalaman sa puso. Pati na rin ang mga
taong kagagaling lamang sa bowel surgery. Ito ay maliban na lamang kung
pinayagan ka ng iyong doctor.
Be ready for some discomfort. Maaari kang makaranas ng hirap
sa bowel movement isa hanggang dalawang araw habang ginagawa ang procedure pati
na pagkatapos nito. Ito ay normal lamang at ang dapat mong gawin ay uminom ng
maraming tubig bago at pagkatapos ng procedure.
Ikaw? May balak ka bang magpalinis ng colon? Ihanda ang
sarili sa procedure na ito, makatutulong ang tips na ito sa iyong paghahanda.
I-share at i-like ang aming tips para malaman din ng iyong ka-facebook o
ka-twitter katoto.
Source: natural health magazine
Comments
Post a Comment