There are times that we need to unwind or get out from the stressful life here in the City, kaya't kung minsan ay naiisip nating magbakasyon pansamantala at magrelaks sa beach. Maganda yan, don't you know that going to beaches can give you not only relaxation but health benefits as well. Opo, ang pagtungo sa mga beaches o dalampasigan ay di lang for relaxation, pampa-healthy din! Basahin mo katoto.
Health Benefits of Going to Beaches |
Eventhough it is sometimes risky to go to beaches because of bad weather, ang paninirahan sa o paminsan-minsang pagpunta sa dalampasigan o tabing dagat ay nakatutulong upang maging malakas at malusog ang iyong pangangatawan.
According to researchers, ang mga taong naninirahan o minsanang pumunta sa dalampasigan ay kinakikitaan ng magandang kalusugan. Ito ay marahil ang kapaligirang malapit sa dagat ay nakapag-re-reduce ng stress at nagpapaginhawa sa ating pakiramdam. Kaya naman kahit nagbabakasyon ka lang, mararamdaman mong nagiging masigla ka. Eh, ano pa kaya kung dun ka nakatira, di ba?
At paano nga naman hindi kakalma ang iyong damdamin kung ang magagandang tanawin ang iyong makikita at makakalanghap ka pa ng fresh air. The peaceful setting that you dreamed of makikita mong tunay sa dalampasigan. At ang mga bagay na ito na mayroon sa beach ay sapat na para ikaw ay matulungang makapag-isip-isip at makapagpahinga. Kaya nga, ang lahat ng mga stressed ay sadyang dinarayo ang ganitong lugar kapag gusto nilang mailabas ang kanilang sama ng loob o anumang nararamdaman.
Sa ngayon, ay inaalam pa rin ng mga siyentista kung ang sea air ba ay may kinalaman din sa pagpapaganda ng kalusugan ng mga taong nakatira o pumupunta roon.
source: Bulgar credits to: Kenneth Joy Carino
Comments
Post a Comment