Ang pagkakaroon ng hilig ng isang bata sa musika o pagiging music lover ay tunay ngang nasa lahi. At pwede itong ma-develop ng batang may talent sa music habang siya ay lumalaki lalo pa’t may gabay mo. Here are the tips on how you can guide your child to develop his or her talent in music.
Guide him to different type of music. Ihantad ang bata sa
maraming uri ng musika. Pwedeng nahihilig siya sa tugtog ng biyulin, at
cellos ng classic music. Ang drum para sa kanya ay isang pamilyar na tibok ng
puso sa tenga. Kung nais nyang nagtitipa sa piano habang tuwang tuwa sa tunog,
mainam ito.
Dance with your child. Sayawan ang paslit sa tugtog ng blue
grass o country music. At dahil ma-eenganyo siyang sumayaw kapag parehong
magulang ay sumasayaw din. Bumili sa music store ng gusto niyang musical
instrument. Papiliin siya kung ano ang kanyang gusto; egg shaker, tambourines,
bongos o cowbells.
Give them cheap musical instrument. Bigyan sila ng mga
mumurahing instrumento gaya ng maracas, harpo at harmonicas.
Buy a second hand guitar or piano. Maaari ka ring bumili ng
segunda manong gitara o piano at iparada ito sa loob ng bahay. Upang
makapagpalaki ng isang batang mahilig sa musika. Ang instrument ay dapat na madaling
magamit sa lahat ng oras.
Ask the school if they organize music clubs. Tanungin ang
kanyang paaralan kung mayroon na silang nabubuong chorus o music club na
pwedeng salihan ng iyong anak. Karaniwan sa programa ay nagsisimula sa unang
taon ng elementary dahil karamihan ng bata ay mas gustong kumakanta. Kaya isali
mo ang anak mo.
Enroll him to free instrument music program. Kung wala mang
cello o byulin, maaaring matuto ang bata na gumamit ng pluta o trombone ng libre
sa pamamagitan ng pagsali sa mga programang libreng binubuo para sa mga batang
may hilig sa music.
Let your kids enjoy or attend music festivals. Ang pista na
ito ay may iba’t ibang musical talent na tumutugtog ng regae, folk, jazz,
blues, funk. Samahan din ang bata na gumawa ng sarili nilang nilikhang awitin o
komposisyon habang ikaw naman ay nagsasayaw at nakikinig ng magagandang musika.
Listen to radio that plays classical music. Makinig sa
klasikong public radio station para maging background music niya habang siya ay
nagpipinta. Naka-eenganyo ang saliw ng musika at mas nakapagtatrabaho sila ng
tahimik habang natatanggap ang style ng
music na naririnig nila.
Bring them to live band concert. Samahan sila sa band concert,
musical at piano recital performance. Sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang
bata na gayahin ang mga estilo nito sa pagtugtog at matutulungan siyang
makapag-praktis para ma-develop ang kanyang talent sa music.
Source: Bulgar credits to: Nympha Miano Ang
Comments
Post a Comment