Madalas gawin silang panakot lalo na sa mga palabas na may temang horror o mga istoryang may kinalaman sa sakit. Iyan para sa iba ang mga daga pero para sa ilang pet lovers, isa sa mga magandang alagaan ay ang mga daga dahil matatalino ang mga ito at tulad ng mga alagang aso’t pusa, kaya rin nilang makipag-interact sa tagapag-alaga nila. Isa pa, hindi rin kailangan ng malaking espasyo sa isang bahay para mag-alaga ng mga daga. Ito ay ayon kay Zachariah Maule-North Star Rescue Northern CA.
Rat as a Pet |
Kung ikaw ay pet lover at nais mong mag-alaga ng daga. Heto
ang ilang tips sa pag-aalaga nito ayon kay katotong Maule:
Mas maigi ang pagbili ng pares na daga kaysa isa. Bagamat
ang mga daga ay kayang makipag-interact sa kanyang tagapag-alaga ay mas enjoy
naman ang mga ito kapag may kaibigan din silang tulad nilang daga. Isa pa, mas
mag-eenjoy ka rin kapag nakikita mo silang naghaharutan at nagkukulitan sa
kanilang bahay pahingahan. Nakaka-alis ng pagod o stress kapag nakikita mo
silang ganoon. Tiyak kong lalabas ang ngiti sa iyong labi kahit nakararanas ka
ng lungkot dahil sa mga alaga mong daga.
Sa pagbili naman ng kanilang bahay pahingahan o kulungan ay
rekomendado naman ang pagbili ng yari sa recycled cardboard. Ang mga yari sa
ganitong materyales ay nakatutulong sa respiratory system ng iyong alaga. Tulad
rin yan ng sa tao, kung saan kapag masikip ang iyong kwarto o mainit ay
nakararanas ka ng pagkahapo. Kaya sa pagbili ng kulungan, mas maigi iyong yari
sa may kalidad na materyales, maluwang at iyung tipong may playground para sa
kanilang paglilikot.
Napag-usapan na rin lang ang paglilikot, para sa mga daga
ito ay normal lang. Ginugusto nilang nagsisira ng mga gamit hindi para
ma-istress ka kundi ito ay para sila ay malibang. Enjoy na enjoy sila sa ganun.
Kaya naman maiging bumili ka ng kanilang paglilibangan sa kanilang bahay.
Rekomendado ang mga laruang ginagamit din ng mga parrot. Pareho kasing matalino
ang daga at parrot, kaya’t enganyo ang mga daga sa laruang ganun dahil nasusubok ang kanilang intelligence. Mag-lilikot
sila sa loob ng kulungan at tiyak na maaliw ka ng todo.
O ikaw? Plano mo rin bang mag-alaga ng daga? Sana’y
makatulong ang tips na ito katoto.
Source: natural health magazine
Comments
Post a Comment