May masama bang epekto ang pagpatak ng oil sa loob ng tainga para tanggalin ang tutuli o earwax? Learn the proper way on how to clean your ear- heto ang mga bagay na dapat malaman mo tungkol sa tutuli at tips kung ano ang dapat na gawin mo para dito:
Earwax- How To Get It Remove From Your Ear? |
Some of us secretes dry earwax, ang iba naman ay nagsi-secrete ng basang tutuli. Ang mga tutuli ay secretion ng maliliit na glandulang nasa balat ng outer canal ng ating tainga at pinoprotektahan nito ang mga eardrum at pinananatili itong elastic. Kapag labis ang pag-secrete ng glandula, it forms a brownish-yellow earwax, ito ay tumitigas lalo na roon sa mga tuyo ang tutuli at dahil dito ay puwede nitong mabarahan ang canal at magdulot ng bigla o pamimingi na posibleng lumala sa paglipas ng panahon.
Is it bad to drop oils inside the ear to remove your earwax? No, it is not that bad. Ito nga ay kadalasang ginagawa kapag matigas ang tutuli. maaaring maglagay ng ilang patak ng langis tulad ng baby oil o mineral oil sa apektadong tainga pagkatapos ay hintaying lumambot ang impacted earwax bago ito unti-unting dukutin ng cerumen spoon- an ear cleaning instrument, kung saan ang dulo nito ay hugis kutsara.
Kung sobrang tigas ng tutuli at hindi mo kayang alisin, it is recommended for you to visit your doctor (ENT)
Ang mga doctor (ENT) ay may special na paraan din ng pag-aalis ng impacted earwax. Ipinapasok nila ang ear speculum na may cerumen spoon. Kapag ang eardrum ng pasyente ay intact (walang butas), ang tainga ay puwedeng linisin sa pamamagitan ng pag-i-irrigate ng maligamgam na tubig na gamit ang irrigating syringe (may nakasahod na palanggana para roon lalabas ang tubig na ipinasok sa tainga). Sasama sa tubig na ito ang impacted earwax palabas ng tainga, ligtas ang procedure na ito at hindi rin masakit.
source: Bulgar credits to: Sabi ni Doc Shane Ludovice m.d
Comments
Post a Comment