Kung hindi ka isinilang na bulag o nabulag ka lamang dahil sa aksidente ay napakalungkot ito na pangyayari sa inyong buhay. But don't lose your hope, because recently there is a new discovery that can help a blind person to see. Isang bagong teknolohiya na makapagbibigay abilidad sa isang tao na muling makakita- ang Bionic Eye.
A Micro Chip- Bionic Eye- Can Help A Blind To See |
Gamit ang Bionic Eye na ilalagay sa likod ng iyong mga mata ay magagawa mo na muling makakita.
Makaraan ang isang dekadang pagsasaliksik ni Shawn Kelly, mula sa Carnegie Mellon University na matatagpuan sa Pitssburgh ay nagawa na niyang maisakatuparan ang kanyang natatanging imbensiyon. Ang kailangan lamang gawin ay ilagay ang dalawang maliit na camera sa salamin ng pasyente at ipapadala ang image na iyon sa computer chip na nakakabit sa mata ng pasyente.
Mula sa manipis na plastic film, sa lapad ng pilik mata, flexible electrodes kapag pinagana ang device na iyon ay siguradong may mga imahe ka ng makikita. Ang device na ito kasi ay mistulang camera.
I know that you would want to try this but there is a doubt inside your mind if this really works? Huwag kang mangamba dahil nasubukan na ang device na ito sa ilang bulag na pasyente. Mayroon na silang liwanag na nakita at hugis na nasilayan dahil sa paggamit ng device na ito. Sabi nga, inimbento ito upang matulungan ang mga tao na makakita.
Ibig mo bang makakitang muli? Kung ganun, bakit hindi mo subukan na magpalagay ng device na ito? Sampung oras lang naman ang itatagal ng operasyon para maipasok ang wafer thin microchip sa likod ng iyong mga mata. Iyon nga lang, sa Oxford University Eye Hospital pa iyon gagawin.
Kaya, kung ikaw ay mayroong kapansanan, huwag kang mawalan ng pag-asa. Sigurado kasing isang araw ay may solusyon nang mahahagilap upang makamtan mo ang normal na buhay na iyong inaasam.
source: Bulgar credits to: Ria Gonzales
Comments
Post a Comment