There are many forms of anxiety and reasons behind it. Madalas malungkot tayo, mabalisa o ma-depress dahil sa mga sitwasyon na tayo ay problemado o iniisip nating wala ng solusyon ang ating mga problema. Para sa mga kababaihan, alam ninyo bang kapag ikaw ay laging balisa,problemado o nakararanas ng matinding anxiety ay magiging maaga ang iyong pagkamatay? Ito ang patunay dito.
Women With Anxiety- Can Die In The Early Stage of Life |
Base sa pag-aaral, ang palaging pagkabalisa lalo na sa mga babae ay nagdudulot ng mabilis na pagtanda at pagkabawas ng tsansang humaba ang buhay. Sinasabing mas magmumukhang matanda kaysa sa orihinal na edad hanggang 6 na taon at ang laging kabalisahan ay nagdudulot ng maagang kamatayan at malubhang sakit. Ilang dahilan ng pagkabalisa ay phobia at matinding lungkot dulot ng problema at pagkawala ng malapit sa buhay kaya nagiging sanhi ito ng cellular damage at premature ageing at kamatayan.
Nariyan din ang mga walang basehang takot sa sitwasyon tulad sa crow at height na may maikling telomeres kumpara sa kalmadong mga matatandang babae. Nagsisilbi ang telomeres bilang marker ng biological o cellular ageing na may kaugnayan sa pagiging short nito ay sign ng cancer,heart disease,dementia,at mortality.
A group of experts made a study involving 5,000 female age ranging from 42-69 in Bringham and Women's Hospital in Boston- kung saan kinunan ng blood sample at pina-fill-up sa mga questionnaire kaugnay ng sintomas ng pagkabalisa na kanilang nararanasan.
Nakitaan ang karamihan sa kanila na may high phobic anxiety level-ay nasabing may matinding phobia at pagkabalisa na nagdaragdag sa pisikal at emotional ageing ng 6 taon kaysa sa original na edad. Patunay lang ito na ang stress sa mga problema ay nagpapabilis sa ating pagtanda at posibleng ito ang magpapaaga sa ating kamatayan o nagpapakita ng common connection sa psychological stress, phobia, at anxiety na matitinding factor o mechanism sa premature ageing at mortality.
Experts advised to all individuals especially for women to stay away from depression, anxiety, phobia and stress -walang maidudulot na mabuti ang pagiging balisa at pagiging lugmok sa kalungkutan. Have a positive outlook in life, palagi kang ngumiti at harapin mo ang buhay na puno ng pag-asa.
source: Bulgar credits to: Icee Reen Labareno
Comments
Post a Comment