Maraming kababaihan sa ngayon ang nakararanas ng pang-aabuso sa kanilang asawa, dating asawa o karelayon sa kasalukuyan. Ang pang-aabuso ay hindi lang patungkol sa pisikal tulad ng pambubugbog dahil maaari din itong tawaging pang-aabuso kapag apektado na rin ang emosyunal o mental na aspeto ng isang babae. Bilang isang babae, ano ang iyong karapatan para sa mga ganitong uri ng kaso dito sa Pilipinas, maaari mo bang protektahan ang iyong sarili at ang iyong mga anak sa ganitong klase ng pang-aabuso ng mga kalalakihan? Know your rights- ito ang mga kaalaman tungkol sa R.A No. 9262.
Bilang isang babaeng inabuso ay maaari kang maghain ng
reklamo kaugnay ng paglabag ng isang lalake sa mga probisyon ng Republic Act
(R.A) No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of
2004. Ayon sa nasabing batas, maaaring maparusahan ang isang lalaki na gumawa
ng pang-aabuso o pananakit sa kanyang asawa, dating asawa o karelasyon o sa
anak nito (Section 3,id). We want to
reiterate that violence does not only pertain to physical abuse- Maaari mo ring
panagutin sa batas ang lalaking nagbibigay ng emosyonal o mental na
pagpapahirap sa iyo bilang isang babae.
Batay sa Section 3,id: “The crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts: x x x (h) engaging in purposeful,knowing or reckless conduct, personally or through another that alarms or causes substantial emotional or psychological distress to the woman or her child. This shall include , but not be limited to, the following acts: (1) Stalking or following the woman or her child against her/his will; x x x (i) Causing mental or emotional anguish, public ridicule or humiliation to the woman or her child, x x x”
Sa inyong baranggay ay maaari ka ring humingi ng Protection
Order o kaya naman ay sa hukuman kung makaranas ka ng patuloy na pag-aligid sa
iyo ng iyong asawa, dating asawa o karelasyon na mapang-abuso sa iyong tahanan,
o lugar na pinagtatrabahuan halimbawa. Kung ito ay ipagkaloob sa iyo at siya ay
lumabag dito ay ipagbigay alam mo kaagad ito sa hukuman upang siya ay
mapatawan ng kaukulang parusa (section 21,id).
Source: Bulgar credits to: Magtanong Kay Attorney Persida V.
Rueda Acosta
Comments
Post a Comment