Skip to main content

Tips Para Maging Top Student Ka



You feel good if you are getting high grades in school. Paano pa kaya kung mag-top student ka pa sa klase. Pwede mo itong pangarapin at ang pangarap na ito ay pwedeng matupad kung mayroon kang good study habits. Ito ang tips namin para sa mga katotong estudyante na gustong mag top sa klase:
Tips On How You Can Be A Top Student
Don't study at home. Magplano ng oras ng pag-alis at kung anong oras na babalik. Kasi kung alam mong nasa bahay ka, mas marerelaks ka at magiging antukin ka lang at dahil diyan ay hindi ka makapag-aaral. Hwag uuwi ng bahay hangga't kailangan ka pang mag-aral sa library.

Have a good sleep. Ang pinakamabilis na paraan para bumagsak ang grado ay sobrang pag-iisip na mahirap ang lahat ng gagawin at magpupuyat pa para mag-cramming. Hindi ka rito makapag-aaral kapag ganito ang iyong attitude. Dapat ay maging sapat ang pagtulog at nasa oras at saka ka na lang maglibang kapag weekend at mahaba ang oras sa paggimik o lakwatsa.

Don't study during the weekend. Maliban lang kung may project na ibibigay sa iyo kapag Friday na kailangan i-submit pagdating ng Monday, huwag mag-aaral kung weekends. Ang weekends ang dapat na oras para magsaya at kalimutan ang eskuwela.

Study during Daytime. Dapat ay wala ka sa bahay para makapag-aral na mabuti o kaya ay nasa isa kang library sa inyong lugar upang hindi mapupuyat sa buong gabi. Kung nararamdaman mo nang nagmamadali ka nang buong magdamag, tiyak na mabibigo kang masundan ang mga hakbangin upang maging ganap kang "A" student.

Find a place outside your house to study. Bilang isang "A" student, nasa sistema lang ng routine ang kailangan diyan. Mag-aral sa ideal na lugar araw-araw. Ang library ang pinaka-da best na lugar. Huwag iiwanan ang iyong pinag-aaralan kung may iba ka pang bagay na gagawin. Kahit na tapos ka na sa assignment sa araw na iyon, magpatuloy ka pa rin sa pag-aaral. Napakahalaga na itakda ang isipan para lamang sa pag-aaral at wala nang iba pa. Kaya walang dahilan para magmadali at makaalis sa naturang lugar.

Don't be absent. Lahat ng klase mo ay iyong dadaluhan at huwag na huwag kang aabsent kahit minsan ay isa nang pinakamahalagang bagay na iyong magagawa upang humusay ka pa sa eskwela. Maraming instructors ang bumabase ng kanilang exam sa lecture material. Kung ang lahat ng iyong gagawin ay palagi kang dumalo sa klase araw-araw, tiyak na mas mataas ang grades mo kaysa ang laging umabsent at naghahabol ng lahat ng pinag-aralan.

Manage your time wisely. Ngayong may lugar ka nang pagdarausan ng pag-aaral at paglalaanan ng oras para mag-aral, gumawa na ng skedyul. Hal. makapag-aaral ka ng 4 na oras sa isang araw, may 4 na klase at may chapter pa para magbasa sa bawat klase. I-eskedyul na ang oras para sa bawat klase. Sa una, maaaring hindi mo alam kung gaano kahabang oras ang iyong papasukin, kaya bigyan ang bawat klase ng parehong oras, kada klase sa isang araw.

Count the pages. Bilangin kung gaano karaming pahina ang nasa chapter sa isang klase at hatiin ito sa lima. Ito ay kung gaano karaming pahina kada raw na iyong mapag-aaralan. Maaari kang masurpresa kung gaano karelax ang iyong gagawin kada isang araw.

Remember the Due Dates. Alamin kung kailan dapat ipasa ang assignment at ang time frame na kailangan. Gumawa ng note sa isang araw na kailangan para sa gagawing assignment. Okey ito kapag natapos mo na sakali ang pagbabasa at marami ka pang oras na magawa mo pa ang iyong assignment.
source: Bulgar credits to: Nympha Miano Ang


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah