Are you fun of eating seafood or you are not because you have seafood allergy? Bago mo iwasan ang pagkain ng seafood, alam ninyo ba na ang pagkain ng mga lamang dagat o seafood ay mabuti sa inyong kalusugan lalo na sa iyong heart health. Taliwas ito sa madalas nating marinig na ang dulot ng pagkain ng crab, squid, oyster o iba pang lamang dagat ay nagdudulot ng high blood o bad cholesterol.
Seafood For The Heart |
As scientists explained, ang pagkain ng seafood, one serving kada isang linggo, ay pinapababa nito ang tsansa na ikaw ay makaranas ng heart attack ng 50 porsyento. Bukod sa mabuting dulot nito sa ating heart- Napag-aralan ding maigi ito sa ating brain.
Ang mga seafood na gaya ng shrimp, crab, squid at shellfish ay mayaman sa bitamina at mineral tulad rin ng salmon. Bukod pa rin, ang omega-3 essential fatty acids ay maigi rin sa ating puso.
Sabi ng mga Eksperto-Unlike meats, cheese, or eating fast foods na dulot ay kolesterol at saturated fats, ang pagkonsumo ng seafood ay hindi magdudulot ng pagtaas ng bad cholesterol sa ating dugo.
Ito nga pala ang mga uri ng seafood na mabuti sa kalusugan ng ating puso:
Crab. Mayaman ito sa protina at omega 3 fatty acid. Mayaman rin ito sa minerals gaya ng selenium, chromium, calcium, zinc, at iron. Ngunit dapat na katamtaman lang din ang pagkain ng alimango sapagkat ang labis na pagkonsumo nito ay maaaring magdulot din ng high cholesterol.
Squid. Ito naman ay rich source ng protina, omega 3, copper, zinc, vitamin B, at iodine. Maigi ang squid o pusit dahil may copper content nga ito na maigi sa body's absorption, metabolismo ng iron at pati na sa red blood cell formation. Paalala, maiging huwag itong i-prito.
Oyster. Gaya ng mga nabanggit, ito rin ay mayaman sa protina, zinc, omega 3, at low in kolesterol pa. Sabi ng mga nutritionist, ito ay mayaman sa amino acid tyrosine na pampaganda ng mood at pampa-alis ng stress. Mayroon din itong zinc na maigi para sa sekswal na kalusugan ng mga lalaki.
Mussel. Ito ay mayroong selenium, iron, folic acid, vitamin A, vitamin B, zinc at iodine at kemikals na maigi sa thyroid na nakakapag-prodyus ng tyrosine. Mayroon din itong mataas na content ng omega 3 fatty acids, folic acid at vitamin B12, ang nutrient na may malaking kontribusyon sa pagpuksa ng fatigue.
Shrimp. Mayroon din itong vitamin B12 para sa cell division at selenium mineral na maigi para pasiglahin ang ating immune system at pati pasiglahin ang ating thyroid.
web source: medicmagic
Comments
Post a Comment