Skip to main content

Tips Para Sa Malakas Humilik (Snoring Problem)



Sagabal ka ba sa pagtulog ng iyong asawa dahil sa lakas ng iyong paghilik? Naku, maaaring ito ay isa sa mga napag-awayan ninyo na nung mga nakalipas na araw lalo’t bagong kasal kayong dalawa kaya’t hangga’t maaga ay bigyang remedyo mo na ang iyong paghihilik o snoring problem. Pero teka, ano nga ba’t naghihilik ang isang tao at mayroon bang mga natural na paraan para lunasan ito. Heto ang tungkol sa snoring at tips para sa mga taong malakas humilik:
Totoo nga namang maaari kang maka-abala ng iyong maybahay at iba pang kasamahan mo sa bahay sa iyong paghihilik. Sa maniwala ka’t o hindi may iilang mag-asawa ang naghiwalay na dahil rito. Napatunayan na ang mas nakahihigit na naghihilik ay ang mga lalake kaysa sa mga babae. Maaaring ito ay may kaugnayan sa hormonang panlalaki o testosterone. Hindi po totoo na porke’t mataba ay naghihilik na dahil kahit katamtaman lang ang iyong body weight ay pwede ka pa ring maghilik.

There are rumors and hearsays that if you snore it might be that you have a heart problem. May ilan ding sabi-sabi na may kaugnayan ito sa pagkakaroon ng alta-presyon. Ito ay hindi tiyak na sanhi ng paghihilik. Posibleng napag-ugnay lamang ang paghihilik sa sakit sa puso at alta-presyon dahil karamihan sa mga naghihilik ay iyong matataba.

What we can advice you are the following:

Lose weight. Mag-ehersisyo ka at mag-diyeta. Ang pagbabawas ng timbang ay maaaring makapagpababa ng fatty tissue sa likod ng iyong lalamunan na pwedeng makapagpahinto sa iyong paghihilik.

Stop Smoking. Bukod sa walang magandang dulot ito sa kalusugan, ang sigarilyo din ang sanhi kung bakit nahaharangan ang daluyan ng hangin. Dahilan ito para mairita ang membranes sa ating ilong at lalamunan

Avoid eating before bed time. Iwasan ang heavy meals dalawang oras bago ka matulog gaya ng pagkain ng soy milk at dairy products.

Stop alcohol,sleeping pills and sedatives. Kung oras na ng pagtulog ay iwasan mo rin ang pag-inom ng alcohol,sleeping pills at at sedatives dahil nirerelaks ng mga ito ang muscles ng ating lalamunan na nagiging sanhi ng sagabal sa ating paghinga.
Source: Bulgar credits to: Sabi ni Doc Shane M. Ludovice m.d
Web source: helpguide


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...