Alam ninyo bang kapag laging marumi ang inyong bahay ay pwedeng pamahayan ito ng mga alikabok (dust) at iba pang volatile organic compound (VOC) na maaari namang makita sa mga gamit na panlinis sa bahay tulad ng vacuum. Ang dulot ng mga ito ay pinsala sa ating kalusugan. Pinapadumi ng mga ito ang hangin sa loob ng inyong tahanan na maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit sa balat, allergy o galis, pati na rin ng pagkahapo o fatigue.
Iyan ay base sa paliwanag ni Ian Cull-Indoor Air Quality
Association. Nagbigay rin ng tips ang ating katotong si Ian Cull para laging
malinis at fresh ang hangin sa loob ng ating bahay:
Una na rito, ugaliin ang regular na paggamit ng vacuum.
Linisin palagi ang vacuum para hindi ito makontamina at pamuhayan ng VOC.
Pangalawa, buksan ang mga bintana at ugaliin ang paggamit ng
exhaust fan kapag tayo ay nagluluto o nag-sho-shower. Malaking bagay din ang
paggamit ng ozone free air purifiers bagamat ito ay supplemental lamang sa
pagbibigay ng good ventilation- ito ay ayon kay Laureen Burton M.P.H, isang
kemist at toxicologist kasama ng EPA’s Indoor Enviroment Division.
Ikatlo ay ang paggamit ng steam vaporizer para hindi maging tuyot
ang kapaligiran, nakatutulong ito para mag-moisten ang hangin sa loob ng bahay.
Source: natural health magazine
Comments
Post a Comment