Hindi madali ang magpakasal pero kapag umabot na ang pagsasama sa ika-25 taon, dapat na kayong mag-celebrate. Ang laking halaga na nito sa buhay at dapat na itong idaos ayon sa inyong estilo ng panlasa. Pwedeng ang mga anak na ang magbibigay ng party o kahit na kayong dalawa na lang kasama ng mga kaibigan, anuman ito, tiyakin na ang selebrasyon ng 25th wedding anniversary ay hindi ninyo makakalimutan.
Tips To Celebrate 25th Wedding Anniversary |
- Planuhin ang party kung saan ang lahat ay imbitado. Ang mga kaibigan, pamilya at iba pang mga kasama sa trabaho ay dapat nariyan lahat para mairaos ang 25th wedding anniversary ninyo.
- Muling magpalitan ng pangako sa bawat isa. Sa tagal ng inyong pagsasama, ito ngayon ang tsansa ninyong muli na magpalitan ng mga pangako. Isang simpleng seremonya mula sa bahay ito iraos o kaya ay isa muling church wedding. Ang mahalaga ay matandaan ang inyong nagawa sa loob ng 25 taon.
- Mag-dinner sa inyong paboritong restaurant, na kahit na kayo lang dalawa o mga anak. Bagamat marami rin ang magtatampo kapag di naimbita, ito na ang iyong araw, planuhin na ang gusto.
- Mamasyal at mag-enjoy. Magkaroon ng oras na magkasama kayong dalawa para sa 25th wedding anniversary.
- Pagsamahin ang mga nabanggit upang tunay na memorable ang 25th wedding anniversary. Magpa-party bago o matapos ang petsa, muling mangako sa bawat isa, mag-dinner kayong dalawa at mag-enjoy na magkasama. source: bulgar
Maaari ring basahin: Tamang Pagtugon Sa Wedding Invites
Comments
Post a Comment