Wedding Month. Pangkaraniwan na ang kasal tuwing Hunyo o kaya kapag summer, pero ang panahon ng medyo nag-uulan kahit na sobrang lakas ng hangin at malamig ang panahon ay mainam ding pagdausan ng kasalan. Paano ka magpapasya? Heto ang ilang tips sa pagpili:
Wedding Month Tips |
- Isipin kung anong panahon na gusto mong idaos ang iyong kasal para 'di ka na mahirapang mag-isip kung anong buwan ang pipiliin.
- Hindi ka pa tiyak kung anong panahon na gusto mong magpakasal? Isipin ang iba pang bagay na napakahalaga para sa iyo gaya ng outdoor wedding o espesipikong uri ng mga bulaklak na babagay sa okasyon.
- Konsiderahin din kung anong uri ng honeymoon na gusto mong mangyari. Ito ay para kaunti lamang ang iyong pagpipiliang panahon at buwan na ibig mong magpakasal.
- Sa tingin mo ba may panahon sa isang taon na magkakaroon ka ng maraming oras para makapag-honeymoon at iba pang aktibidad? Kung mayroon, piliin na kung anong buwan ang angkop sa gagawin na iyan.
- Nakaplano na ang kasal, pero gusto mong iyon lang ang iyong budget? Pinaka-mainam na pumili ng buwan na nag-uulan kung saan kaunti lamang ang mga nagpapakasal.
- Kung maaga kang nagplano, mas madali nang piliin ang araw ng Sabado na kasalan (lalo na ang summer months)
- Dahil napakarami talagang magkasuyo ang pumipili ng panahon ng summer para magpakasal, kailangan mong magkaroon ng maraming pagpipilian na lokasyon ng kasalan sakaling anumang venue iyan at nakabook na ng iba, mayroon ka pang ibang mapagpipilian. source: Bulgar
Basahin din ang Wedding Speech- Tips Sa Paggawa
Comments
Post a Comment